Ikatlong bugso ng SAP, itinutulak ni Rep. Salceda | Bandera

Ikatlong bugso ng SAP, itinutulak ni Rep. Salceda

Bandera at Radyo Inquirer - , July 29, 2020 - 06:46 PM

Isinusulong ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang pagkakaroon ng third tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Salceda, kung walang ikatlong bugso ng SAP ay maaaring lumobo sa 4.2 million households ang magugutom at mawawalan ng hanapbuhay.

Paliwanag nito, sa katapusan ng Hulyo ay inaasahang darami pa ang mawawalan ng trabaho na aabot sa 3.6 milyon o may katumbas na 1.5 milyong sambahayan.

Bago aniya matapos ang third quarter ng taon o sa katapusan ng Setyembre ay madaragdagan pa ang mga manggagawa na walang trabaho ng 1.7 million workers o katumbas ng 0.9 million households.

Sa panukala ni Salceda, ang pagkakaroon ng SAP 3 sa ilalim ng ikatlong stimulus package ay isasama naman sa 2021 national budget.

Bukas naman aniya ang Ehekutibo sa panukalang ikatlong economic stimulus na aabot sa P280 billion na target ipatupad sa huling bahagi ng taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending