Cathy Garcia ayaw gumawa ng 'kabit' movie; Irene Villamor hindi feel ang 'forever' | Bandera

Cathy Garcia ayaw gumawa ng ‘kabit’ movie; Irene Villamor hindi feel ang ‘forever’

Reggee Bonoan |July 29,2020
facebook
share this

Cathy Garcia ayaw gumawa ng ‘kabit’ movie; Irene Villamor hindi feel ang ‘forever’

Reggee Bonoan - July 29, 2020 - 04:01 PM

SA nakaraang Q&A tsikahan ng limang direktor na sina Cathy Garcia Molina, Mae Cruz-Alviar, Antoinette Jadaone, Irene Villamor at Sigrid Bernardo ay maraming pasabog ang bumandera sa mga netizens.

Ito’y napanood sa YouTube channel na Nickle Entertainment kung saan hindi lang ang kanilang trabaho bilang direktor ang kanilang napag-usapan dahil game na game rin nilang pinagkuwentuhan ang kanilang mga personal na buhay.

Kabilang na nga riyan ang naisulat namin dito sa BANDERA na hirap silang mag-motivate sa kanilang mga artista at kung sino ‘yung nagpunta sa principal’s office para isumbong ang kanyang guro.

Ngayon naman ibabahagi namin ang kanilang chikahan tungkol sa kanilang lovelife at kung ano ang greatest fear nila.

Nagulat kami sa sagot ni direk Irene dahil hindi pala niya pinangarap magkaroon ng makakasama sa buhay.

“Ayokong may kasama kasi forever, puwede ba siyang nandiyan lang pag kailangan? So, pag papayag na ganu’n, okay sa akin, ‘yun ang fear ko na may kasama ako hanggang matanda na ako, ayaw ko no’n,” say ng direktora.

Nagulat ang lahat sa pahayag na ito ni direk Irene dahil ang iba nga naman ay takot tumandang mag-isa samantalang siya ay ayaw niyang may kasama sa pagtanda.

“Ako naman baligtad, kung ikaw fear mo kasama mo siya sa pagtanda, ako naman, ang fear ko maiwan ako sa pagtanda. Ang prayer nga namin (partner) sa gabi sana sabay kami hanggang sa paglisan,” ang sabi naman ni direk Cathy.

Inamin naman ni direk Sigrid na marami rin siyang fears sa lovelife, “Ang dami ko kayang fears, ganu’n naman talaga di ba pag lovelife, like lolokohin ka, ayaw ko ng ganu’n!”

May mga alam kami tungkol sa love life ng “Kita Kita” director pero wala kami sa posisyon para ikuwento iyon kaya dedma na lang muna.

Sabi naman ni direk Tonette, “Ano nga ba? Ang naisip ko ngayon ay nade-define ka kung sino ‘yung kapartner mo. Parang kung ano siya, dapat ganu’n ka rin at kung ano ako, dapat ganu’n din siya.

“Ayaw ko po ng parang conjugal description, o ayaw ko ng twinning. Kung ano ka, ano siya, meet tayo tapos ganito tayo (muwestrang hawak kamay).

“Ako naman ayaw ko ng niloloko, ayaw ko ng babaero, ayoko ng sinungaling. Ayaw ko ng ganu’n masalimuot, masaklap ayaw ko talaga ng ganu’n, super-duper. Baka kasi ‘yung iba keri lang, ako ayaw ko talaga, major-major,” say naman ni direk Mae.

At dito umamin si direk Cathy na hindi siya gumagawa talaga ng infidelity movies, “Kasi nasasaktan ako at ayaw kong bigyan ng katwiran o dahilan ng kahit sino para manloko. Wala akong tatanggaping dahilan para manloko ka ng tao.”

Anyway, habang tinitipa namin ito ay ka-chat namin si direk Sigrid at super nagpapasalamat siya sa mga nasulat tungkol sa tsikahan nila at abangan daw ang part two nito dahil mas matitindi pa raw ang susunod nilang mga pasabog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Abangan mo, ine-edit pa, eh. Mga usapan after ng live,” saad ni direk Sigrid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending