Anomalya sa PhilHealth iimbestigahan
Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Public Accounts sa mga iregularidad at alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.
Ayon sa pinuno ng komite na si Anakalusugan Rep. Mike Defensor, dati na niyang binalaan si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa mga raket na ginagawa sa loob ng tanggapan.
Ito anya ang dahilan kaya walang maipakitang COA report ang PhilHealth noong nakaraang budget hearing.
Sinabi naman ni House Minority Leader Benny Abante nakakatanggap siya ng mga reklamo tungkol sa isang modus sa Philhealth kung saan inilalagay na COVID-19 ang sakit ng isang pasyente kahit iba ang sakit nito para lamang makakuha ng malaking diskwento.
Igiiniit naman ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na kung hindi mahihinto ang korapsyon sa PhilHealth ay mauubos ang pondo nito lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.
Nauna rito, ilang mga opisyal na ng PhilHealth ang nagbitiw sa pwesto dahil sa sinasabing katiwalian sa tanggapan at ang mga napaulat na mabilis na paglalabas ng pondo ng PhilHealth sa ilang mga pagamutan na may iisa lamang na COVID-19 case.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.