outbrain

Dream house ng aktor ibinebenta

By Den Macaranas July 29,2020
share this

Dream house ng aktor ibinebenta

By Den Macaranas July 29,2020 - 01:55 PM

Baka naghahanap kayo ng house and lot sa Quezon City.

For sale na kasi ngayon ang bagong bahay ng isang sikat na aktor na kailan lang niya ipinakita sa mga kaibigan.

Nagkakahalaga ng P15 million ang two-storey dream house ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Bagama’t mabigat sa kanyang kalooban na ibenta ang nasabing property ay wala raw siyang magawa sa kasalukuyan.

Bigla kasing naglaho ang kanyang mga proyekto dahil sa pagbawi sa prangkisa ng ABS-CBN kung saan ay isa siya sa mga sikat na talent.

Kesa nga naman mahila ng bangko ang kanyang house and lot ay mas minabuti niyang ibenta na lamang ito.

Matatagpuan ang nasabing house and lot sa isang gated subdivision malapit sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sinabi naman ng ilang malapit sa aktor na may ilang interesadong taga-showbiz rin sa nasabing property pero masyado nilang binabarat ang presyo nito.

Bago pa man niyang ideklarang for sale ang kanyang bahay ay naibenta na rin niya ang isa sa kanyang mga kotse dahil rin aa takot na mahila ng dealer ang nasabing sasakyan.

Bukod sa ating bida marami ring mga taga showbiz ang problemado ngayon sa kanilang hindi lamang dahil sa binawing prangkisa ang ABS-CBN kundi dahil na rin sa epekto ng pandemya sa ating ekonomiya.

Ang aktor na may apelyedong banyaga na nagbebenta na ng kanyang dream house ay si Mr. D… as in Danish.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending