Sharon sa itsura ni Gabby: Now ko lang siya nakitang ganyan! Maryosep! Di bale pogi pa rin | Bandera

Sharon sa itsura ni Gabby: Now ko lang siya nakitang ganyan! Maryosep! Di bale pogi pa rin

Ervin Santiago |July 29,2020
facebook
share this

Sharon sa itsura ni Gabby: Now ko lang siya nakitang ganyan! Maryosep! Di bale pogi pa rin

Ervin Santiago - July 29, 2020 - 01:28 PM

 

TOTOO kaya na dapat sana’y ngayong taon na mangyayari ang pinakaaabangang reunion movie nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?

 

Tila yan ang nais ipahiwatig ni Shawie sa kanyang latest Instagram post kung saan napa-throwback siya nang bonggang-bongga sa naging loveteam nila ni Gabby.

 

Pero bago pa siya intrigahin, agad sinabi ni Mega na nagbabalik-tanaw lang siya sa naging journey ng tambalang ShaGab makalipas ang halos apat na dekada — kaya huwag na sana itong lagyan ng malisya.

 

Nag-post ang singer-actress ng lumang litrato nila ng dating asawa sa IG na may caption na, “Eto na po mga solid na S-G. He was 17, I was 15. Things were super simple, pure, innocent.

 

“Di pa po kami magkaano-ano dito at after shooting na kami nag-usap. Okay na po?

 

“Para sa susmaryosep na di makamove-on! Hahaha! Nililinaw ko lang po – ilang beses na ako nakamove-on!” caption ni Sharon sa una niyang post kung saan nabanggit din niya ang kanilang 1981 classic blockbuster movie na “Dear Heart” kung saan nga nagsimula ang lahat.

 

“Ngek. Pero love ko ang ‘Dear Heart.’ Kasi totoong-totoo lahat nung nagsimula,” sey pa ni Sharon.

 

Bukod dito, nag-post din ang singer-actress ng isang video kung saan makikita ang ilang clips na kuha sa mga ginawa nilang pelikula.

 

Caption dito ni Mega, “Aaaaahh kaya pala naman napakabusy ng ShaGab nation…39th Anniversary ng Dear Heart!!! Naku concepciongabby – ano masasabi mo sa ating fans?

 

“Puede na ba sabihin na kung galit sila sa COVID-19…mas dapat sila magalit at this year pa nagkavirus? O baka naman chismis lang…LOL. Jusko di ko kinakaya ang bigote at balbas ni G.!!!

 

“Sa buong buhay ko now ko lang siya nakitang ganyan! Maryosep. Di bale pogi pa rin. Uy. O para sa inyo yan mga S-G ha? Pero alam niyo, dapat lang nauna siya sa billing sa movie credits namin.

 

“Eh matatanda nag-uusap noon eh pumayag naman sila! Maaayos din naman yan pag nagkachance…pero huwag na natin pakialaman yung kinasanayang ShaGab.

 

“Di na dapat makagulo yung nickname at 39 years na nakasanayan. Billing dapat ayusin. Malawak ang pag-intindi ng utak ko lalo na ng ego ko na meron lahat ng tao!

 

“Take good care and stay safe. Happy Anniversary to our ‘Dear Heart’ & all our fans – and thank You Lord almost 4 decades na po mahal pa rin ng mga tao ang tambalan namin.

 

“Dear COVID-19, buong mundo ginulo at pinaiyak mo na…pero baka mas sinusumpa ka ng fans namin ngayon sa galit nila! Ngek! God bless us all everyone!”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa sinabi niyang, “Puede na ba sabihin na kung galit sila sa COVID-19…mas dapat sila magalit at this year pa nagkavirus? O baka naman chismis lang…LOL” ay mukhang totoo nga ang chika na naudlot nga ang reunion movie nila ni Gabby dahil sa pandemya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending