Maja nagsakripisyo para sa pamilya: Para kang naging nanay nang maaga | Bandera

Maja nagsakripisyo para sa pamilya: Para kang naging nanay nang maaga

Ervin Santiago - July 28, 2020 - 10:43 AM

 

FEELING ng Kapamilya actress-singer na si Maja Salvador, maaga siyang naging “nanay.”

Aminado ang dalaga na marami rin siyang isinakripisyo sa personal niyang buhay makamit lang ang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Isa sa mga hindi na niya natupad para sa sarili ay ang makatapos ng pag-aaral, ito’y dahil nga sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz sa murang edad.

Sa nakaraang episode ng “I Feel U” ni Toni Gonzaga, naikuwento ni Maja ang mga pinagdaanan niyang challenges sa buhay at ang mga sakripisyong ginawa niya bilang bread winner ng pamilya.

“Bata ka palang nakikita mo na lahat ng nangyayari sa family mo. Alam mo ‘yung palipat-lipat ako ng bahay.

“Siyempre ‘yung mommy ko nagtatrabaho abroad ako lipat-lipat ako ng bahay sa mga kapatid niya para alagaan ako,” simulang lahad ng aktres.

 

“Doon pa lang nagsimula akong mangarap, hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko,” dugtong pa niya.

Nang mabigyan ng chance na makapasok sa mundo ng showbiz, hindi na niya ito pinakawalan para na rin makatulong sa pamilya nila at mabigyan ang mga ito ng magandang buhay.

Isa raw talaga sa mga pinangarap niya noon ay, “Ang magkaroon kami ng sariling bahay, kasi wala kaming bahay, nakikitira kami.

“‘Di ba sa probinsya ako lumaki, noong umuwi na ang mama ko dito sa Pilipinas, nag-decide siya na kunin na ako sa mga kapatid niya at sa Manila na kami.

“Noong nasa Manila naman kami, nakitira naman kami sa mga pinsan niya, alam mo ‘yun yung walang permanent, wala kaming sariling bahay,” ang pagbabalik-tanaw pa ng dalaga.

Tungkol naman sa mga isinakripisyo niya marating lang ang tagumpay, “Siguro na-sacrifice ko ang school. Kasi kahit gaano ko gusto mag-aral, tinanggap ko nalang na hindi, dito muna ako (tuloy ang trabaho).

“Alam mo ‘yung first time mo lang nagkaroon ng pera talaga. Kasi ‘yung pera naman namin dati allowance lang talaga,” aniya pa.

Sa ngayon, napagtapos na niya ang mga kapatid sa kanilang pag-aaral at isa na rin daw itong napakalaking achievement para sa kanya.

 

“Yung para kang naging nanay ng maaga, ‘yung ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos sa pag-aaral ‘yung kapatid mo, may kanya-kanya na silang trabaho.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi man ako makapagtapos ng pag-aaral, pero nai-share ko ang lahat ng pagod at paghihirap ko, nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko,” ang sabi pa ni Maja.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending