Pilantropong si Angel, inakusahang komunista ng isang netizen | Bandera

Pilantropong si Angel, inakusahang komunista ng isang netizen

Reggee Bonoan - July 25, 2020 - 06:12 PM

Ilang oras pa lamang naming nasusulat ang istoryang ‘Real life Darna’: Larawan ng mga pagtulong ni Angel, trending sa social media,  umani na agad ng mga pagbatikos ang dalaga.

Isang Facebook user, na may pangalang Bukas Isip, ang hindi sang-ayon sa mga ginagawa ng pilantropong si Angel.

Sa post nito na may litrato ni Angel na nakasuot ng face mask, sinabi ni Bukas Isip:

“Hindi porke’t artista, mabait na.

“Hindi porke’t nakikita na tumutulong, matulungin nga.

“Dahil ‘di n’yo alam na ginagawa niya ‘yan para suportahan ninyo ‘yung tiyuhin niya.

“REMEMBER:  ANGEL LOCSIN ay pumunta sa Netherlands nitong nakaraang election para kumuha ng pera kina JOMA SISON.

“REMEMBER:  May kapatid si Angel Locsin na CPP-NPA na namatay sa bakbakan.  Hindi n’yo alam nuhh?

“Siyempre, tinago na lang dahil MASISIRA ang imahe ni Angel Locsin dahil isa siyang artista at modelo.  Kaya kilatisin ang dapat kilatisin po.”

Tinatakan na FAKE NEWS ang post ni Bukas Isip ng kapatid ni Angel na si Angela Colmenares at klinaro niyang hindi pa nakilala ng aktres ang founder ng Communist Party of the Philippines na isang self-exiled sa Netherlands simula pa noong 1992.

https://www.instagram.com/p/CCc7DrwlfE9/?utm_source=ig_web_copy_link

Pero taong 1987 ay naroon na si Joma Sison matapos itong humingi ng political asylum nang kanselahin ng pamahalaan ng Pilipinas ang kanyag pasaporte.

Ayon kay Ela (tawag namin sa kapatid ng aktres), “Nakakatawa naman ito. Di pa nakakatuntong sa Netherlands si Angel para i-meet si Joma saka buhay pa po kaming lahat na magkakapatid.

“I just wish CPP-NPA ako, as in Certified Patriot of the Philippines-Not Paying Attention to your bullshit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung gagawa kayo ng fake news, gawin n’yo namang convincing. Konting research naman kayo d’yan para di sayang pasweldo sa inyo ng gobyerno.”

Tsinek namin ang timeline ni Bukas Isip at pawang papuri sa administrasyong Duterte ang laman at lahat ng kritiko ng administrasyon ay galit siya.  Panay din ang post niya ng mga nahuhuling sa paniniwala niya ay miyembro ng NPA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending