Michelle Madrigal nakahanap ng ‘forever’ sa Tinder; pero may babala sa ‘Tinderella Queens’
MAY “forever” sa Tinder.
Napatunayan yan ng dating sexy actress na si Michelle Madrigal dahil sa nasabing dating app niya nakilala ang kanyang asawang si Troy Woolfolk.
“Nag-meet kami sa Tinder. So ‘yung mga Tinderella queens diyan, there’s hope!” simulang chika ng aktres sa panayam ng Kapuso online talkshow na “Just In”.
Pero kasabay nito, pinayuhan din ni Michelle ang mga naghahanap ng dyowa na maging maingat pa rin sa paggamit ng dating app. Dapat daw munang i-check nang bonggang-bongga ang profile ng isang nasa Tinder bago mag-swipe.
“Basta check n’yo lang ‘yung application form, huwag ka lang swipe nang swipe kasi minsan ang mga intentions ng mga ganyan, hindi pure, ‘di ba?”
“Yung sa akin, basta nagtingin-tingin lang ako then ang mga nakikita ko doon mostly college students. Girl, tayo mga mukha natin dito para tayong college,” kuwento pa ng dating Kapuso star.
Patuloy pa niya, “For me ayoko naman na mag-date ng bagets! ‘Yung mindset ko iba na, gusto ko nang mag-family.”
Nang makita raw niya ang litrato ni Troy parang may naramdaman siyang spark. Nagmarka rin sa kanya ang mensahe nito na nakalagay sa profile at halos pareho rin sila ng mga interes sa buhay.
“Ay guwapo si kuya, tapos parehas kami ng interests — fitness, hiking mga ganyan, outdoor, dogs. Tapos biglang message siya sa akin. Ang message sa akin ni kuya, different from the rest.
“Mga tanong niya more like personal so okay you got my attention. Message, message then same week nag-meet kami,” lahad pa ng aktres.
Inamin din ni Michelle na makalipas ang anim na buwang pagde-date nagka-baby na agad sila ni Troy, “I’m ready naman, hindi naman na ako bagets at that time. Okay na ako ready na ako mag-family.”
“Decision ko to keep it, kung gusto kong ituloy ito responsibility ko siya. You don’t have to do anything. Hindi kita kukulitin na ‘hoy, magbigay ka ng ganyan.’ Decision ko ‘yun. He was man enough, ‘I want to do this,'” diin pa niya sa nasabing panayam.
Umuwi ng Pilipinas si Michelle mula sa Amerika para um-attend sa kasal ng kapatid niyang si Ehra Madrigal, “Nag-stay ako sa Philippines for a few months kasi medyo sensitive yung pregnancy ko at that time. I couldn’t travel.”
Nang muli silang magkasama ni Troy, niyaya siya nitong magbakasyon sa Dominican Republic kasama ang pamilya nito kung saan naganap ang proposal. Nagpakasal sila noong April, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.