Ginunita ngayong araw ang ika-156 na kaarawan ni Apolinario Mabini na tinaguriang ‘Dakilang Lumpo’.
Sa Facebook post ng Department of Education (DepEd) hinimok ang publiko na gunitain ang mga naging ambag ni Mabini sa kalayaan ng Pilipinas.
Ayon sa DepEd si Mabini ay kinilala rin bilang utak ng himagsikan sa kasaysayan at nagsilbing tagapayo ng mga kapwa bayani na sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
Ngayong araw kasabay ng paggunita sa kaarawan ni Mabini ay huling araw naman ng paggunita sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Ayon sa DepEd, nawa’y maging inspirasyon si Mabini sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral na may kapansanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.