Vice napamura sa P3M TF kada buwan sa TV5: Mga Bulaang Bwakanang! #PekFakeNews! | Bandera

Vice napamura sa P3M TF kada buwan sa TV5: Mga Bulaang Bwakanang! #PekFakeNews!

Ervin Santiago - July 23, 2020 - 10:31 AM

 

 

NAPAMURA ang TV host-comedian na si Vice Ganda nang mabasa ang balita tungkol sa P3 million talent fee na hinihingi niya sa TV5.

Kumalat ang chika na ni-reject umano ng Kapatid Network ang posibleng paggawa ng proyekto ni Vice sa istasyon dahil sa taas ng hinihingi nitong TF.

Balitang P3 million daw ang asking price ng kampo ng Phenomenal Box-Office Star para sa four-episode project na tatakbo ng isang buwan.

So, ibig sabihin pumapatak na P750,000 ang talent fee niya kada episode, pero hindi raw ito kinagat ng mga executives ng TV5.

Ang balita pa, mismong ang kampo umano ng TV host-comedian ang lumapit sa TV5 para kunin si Vice matapos nga ang tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Ngunit sa kanyang Twitter account, ipinagdiinan ni Vice na isa itong malaking “fake news”.

Ipinost niya ang screenshot ng nasabing news item mula sa isang blogsite na may headline na, “Ang mahal! TV5 reportedly rejects Vice Ganda after the comedian’s camp asks 3-M pesos talent fee.”

Tweet naman ni Vice, “Mga Bulaang Bwakanang ULUL!!! #PekFakeNews.”

Ni-repost din niya ito sa kanyang Instagram Stories at nilagyan ng caption na, “Mga ULUL! “Mga bulaang ulul!!!”

Samantala, bukas na magsisimula ang operasyon ng sariling website ng komedyante, ang Vice Ganda Network kung saan mapapanood ang kanyang online talkshow na “Gabing-gabi Na Vice”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang vision ko lang talaga is very simple, very basic, to serve my purpose. To make the people happy. Yun ang dapat lagi kong maging compass sa lahat ng gagawin ko,” chika ni Vice sa ginanap na digicon para sa launching ng Vice Ganda Network.

Sey pa niya, “Kasama sa secondary objective ko ay makapagbigay ng trabaho sa mga bakla, yung mga stand-up comedians. Hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN na-hit talaga ang mga komedyante.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending