Bwelta ni Jennylyn sa mga anti-ABS-CBN: Kung iboboykot n'yo ko tanggap ko na yun | Bandera

Bwelta ni Jennylyn sa mga anti-ABS-CBN: Kung iboboykot n’yo ko tanggap ko na yun

Ervin Santiago - July 19, 2020 - 10:24 AM

 

BINANTAAN ng ilang bashers si Jennylyn Mercado na iboboykot nila ang mga projects nito sa GMA 7.

Ito’y kapag hindi pa tumigil ang Kapuso actress sa pagtatanggol sa ABS-CBN at sa libu-libong empleyado ng network na mawawalan ng trabaho.

Patuloy ang paglalabas ni Jen ng kanyang saloobin sa social media upang ibandera ang pagsuporta sa Kapamilya Network kahit na nga kilala siya bilang Kapuso. Kaya naman pinag-iinitan siya ngayon ng ilang kontra sa ABS-CBN.

Pananakot sa kanya ng isang netizen, “Sige lahat ng shows mo, endorsement mo, imamarket namin para iboycott!”

Hindi naman siya inurungan ng aktres at sinagot ang pagbabanta nito ng boykot.

Tweet ni Jennylyn, “I know what I’m risking the moment i speak up. Walang mangyayari if you always play it safe.

“I will be forever grateful to the advertisers that supported and supports me. The decision to speak up is something that i will never regret,” aniya pa.

Hirit pa ng girlfriend ni Dennis Trillo, “Alam kong suportado ako ng home network ko na nagturo sa king maging matatag at manindigan para sa tama.

“Hindi ako makakatulog sa gabi pag alam kong hindi ko nagamit ang aking boses para ipaglaban ang mga naapi at nawalan.

“Hindi kaya ng konsensya ko yun. Kung gusto niyo po akong iboycott Tanggap ko yun,” aniya pa.

Nilinaw din Jennylyn ang kumakalat na balita sa Facebook na nagsasabing “stockholder” daw siya ng ABS-CBN kaya ganu’n na lang kung ipaglaban niya ang istasyon, “No. Imbento yan.”

Diin niya, talagang hindi lang niya maatim na nagawa talagang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN at nasikmura nilang tanggalan ng trabaho ang libu-libong Filipino.

“Milyong milyong Pilipino ang nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya at sa desisyon ng mga may kapangyarihan.

“Libo libo na ang nagkakasakit at overcapacity na ang mga hospital.

“Pagod na pagod na ang ating mga bayaning medical frontliner. Ano na ba talaga ang plano?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Paano mo kakalimutan ang mga simpleng empleyado na paycheck to paycheck na ngayon wala ng pagkukunan ng pambili ng pagkain sa pamilya nila?

“Tuloy pa rin ang laban para sa Bawat Pilipino,” matapang pang pahayag ni Jennylyn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending