RUFA MAE may ‘SUMPA’ sa mga lalaki kaya malas sa LOVELIFE; tatanda nang dalaga | Bandera

RUFA MAE may ‘SUMPA’ sa mga lalaki kaya malas sa LOVELIFE; tatanda nang dalaga

Ambet Nabus - August 19, 2013 - 03:00 AM

KUNG hindi pa dahil sa pambubuking ni Fabio Ide kay Rufa Mae Quinto during the presscon of “Ang Huling Henya”, ay hindi pa malalaman ng madlang pipol na naging magkarelasyon pala sila ng Brapanese model-actor na si Akihiro Sato na naka-base na ngayon sa Thailand.

Type pala kasing ligawan noon ni Fabio ang seksing komedyana, pero dahil “in a relationship” nga ang status nito with Akihiro, isinantabi na lang niya ang kanyang plano sa aktres.

Umamin naman si Rufa Mae sa pambubuking ni Fabio na kasama niya sa “Huling Henya”, pero gaya raw ng mga nakaraan niyang relationships, past is past na raw.

Kung kami ang mag-aanalisa sa requirement ng dalaga hinggil sa hinahanap niya sa isang lalaki, sasabihin naming baka nga tumanda na siyang dalaga dahil bukod sa mahirap hanapin ang isang tunay na lalaking keri niyang makasama sa loob ng 24-hours nang hindi siya mabuburyong o maiinip, eh, wala naman sigurong mala-robot na guy na a-agree sa lahat ng trip niya.

Ay basta, alam na ni P-chi (palayaw ni Rufa Mae) ang emote namin sa kanya dahil kahit noong sila pa ng friend naming si Rudy Hatfield (na nag-propose pa ng kasal sa kanya), lagi na lang nagiging malaking isyu sa kanila ang karir at pamilya ng aktres.

At dahil naniniwala din kaming “henya” na siya ngayon (dekada na yung pagiging Booba niya, ‘noh!), sana nga ay mas maging henya na siya pagdating sa pag-ibig.

Agree naman kaming mayroon lalaking nakatakda talaga para sa kanya. As in lalaki, sa kilos, isip, damdamin at gawa, ha! Ha-hahaha!

Ay, showing na pala ang “Huling Henya” sa Agosto 21 na ayon kay Rufa Mae ay mala-Hollywood na rin ang pagkakagawa, lalo sa mga special effects nito.

Saka alam naming hindi ito basta-basta comedy lang dahil ang ngayo’y paborito naming si direk Marlon Rivera ang direktor nito under Viva Films. Bukod kay Rufa Mae, kasama din sa movie sina Kean Cipriano, Candy Pangilinan, Ayen Laurel, DJ Durano, Ricci Chan, Edgar Allan Guzman, Robert Sena at marami pang iba!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending