Paco ng Introvoys, nagkargador sa US; bayaning frontliner na rin ngayon | Bandera

Paco ng Introvoys, nagkargador sa US; bayaning frontliner na rin ngayon

Julie Bonifacio - July 18, 2020 - 09:30 AM

WE’RE wondering kung ano na ang nangyari sa TV host-DJ na si KC Montero pagkatapos silang damputin ng misis niya sa isang high-end restobar ng mga pulis sa Makati City.

Hopefully, nasa maayos na kalagayan na si KC and his wife. Siguradong traumatic para sa kanila ang maaresto dahil umano sa paglabag sa quarantine protocols.

Kabilang ang mag-asawa sa 121 customers na hinuli matapos i-raid ng police ang Skye sa Salcedo Village noong June 28.

Napag-usapan pa naman namin si KC when we interviewed US-based Introvoys drummer and composer na si Paco Arespacochaga.

Puring-puri ni Paco si KC kung gaano naging isang mabuting ama ang TV host sa firstborn nila ni Geneva Cruz na si Heaven.

Knows naman ng iba na after maghiwalay nina Paco at Geneva, si KC naman ang sumunod na partner ni Geneva.

A little over three years old pa lang daw si Heaven noong maging sina Geneva at KC.

Isinama ni KC sa US ang mag-ina ni Paco and stayed there for a couple of years. Kaya si KC na ang tumayong ama ni Heaven.

Kahit naghiwalay na sina Geneva at KC, nanatiling malapit at itinuturing pa rin ni Heaven na tatay ang TV host.

In fact, kahit nu’ng nagtapos daw sa high school si Heaven ay lumipad pa ng US si KC to personally witness and to be with Paco’s eldest son sa graduation nito.

Kaya naman hats-off si Paco kay KC sa pagiging stepdad nito kay Heaven.

Sa katunayan, nu’ng maging stepdad naman si Paco sa anak na lalaki ng partner niya ngayon na si Jaja, humingi siya ng advice kay KC.

Naging maganda rin daw ang relasyon nila ni Paco. At maging si Geneva ay kaibigan din ngayon ng naging isa pang ex-wife ni Paco at ng current partner niya na si Jaja.

May anak na babae sina Paco at Jaja, si Cassidy. Ang 11-year-old na si Cassidy ang only girl ni Paco at pramis niya, hindi na niya ito susundan.

Naranansan niya kasi kay Cassidy ang maging tatay. The rest of his children, na pawang mga lalaki, hindi siya ang nag-alaga.

Lumaki daw lahat sa kanilang mga ina ang mga anak niyang lalaki. And with Jaja, siya raw ang nag-alaga kay Cassidy dahil most of the time nasa work ang misis niya.

Isang nurse sa US ang kanyang misis habang nagwo-work naman si Paco doon sa isang ambulance marketing company.

Kaya pareho raw silang frontliners ni Jaja sa US. Katatapos lang daw niyang ma-swab test noong kausap namin. While his wife ay sa ospital nag-i-stay.

Nakwento rin ni Paco ang mga struggles na pinagdaanan niya simula noong dumating siya sa Amerika.

Unang trabaho pala niya sa US ay bilang isang kargador ng beauty products.

Akala raw kasi nu’ng nag-alok at nagdala sa kanya sa Amerika bilang singer ay may proper documents siya gaya ng Social Security number.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero paglipas ng panahon, nalampasan naman niya ang sobrang hirap na kalagayan niya sa Amerika noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending