‘DOTS’ nina Dingdong at Jennylyn sa January, 2021 pa magbabalik-taping
TOTOO kaya ang nasagap naming chika na sa Enero, 2021 na ang resume taping ng “Descendants of the Sun?”
Ayon sa aming source, marami pa raw ang dapat ayusin sa produksyon at hindi kakayanin kung sabay-sabay ang pagbabalik-taping ng mga teleserye ng GMA 7.
Dahil din ito sa rami ng cast members at problema sa locations at hotel o bahay na titirhan ng lahat ng magbabalik-taping.
Kailangan kasi nilang siguruhin na masusunod ang lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng FDCP, DOLE at DOH kabilang na ang lock-in sa taping bukod pa sa weekly rapid test.
Dapat sana’y ngayong Hulyo na ang balik-taping ng isa pang serye ng GMA, ang “Prima Donnas” nina Aiko Melendez pero dahil hindi pa rin plantsado ang lahat ng kailangan kaya naurong ito sa Agosto.
Nakarating naman sa amin na nagte-taping na si Dingdong para sa iba pa niyang mga programa sa GMA kaya siguro naurong ang “Descendants of The Sun.”
“No work, no pay” ang halos lahat ng nasa production ng “DOTS” kaya kanya-kanya silang hanap ng trabaho at raket ngayon at kahit hindi nila linya ay tinatanggap na rin nila basta’t may aasahang kita.
Mabuti na lang daw at usung-uso ang digital work o online selling ngayon kaya ‘yung ibang production staff ay ito ang pinagkakakitaan.
Anyway, may isa namang taga-GMA ang nagsabi sa amin na baka sa September ang balik-taping ng “DOTS” at hindi sa January, 2021.
Baka raw kasi maayos naman agad ang mga dapat asikasuhin ng production para magtuluy-tuloy na ang trabaho ng grupo nina Dingdong at Jennylyn Mercardo.
Let’s wait and see.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.