Promise ni Jericho: Bukas muling titingala...tuloy ang buhay, hanggang sa muli | Bandera

Promise ni Jericho: Bukas muling titingala…tuloy ang buhay, hanggang sa muli

Ervin Santiago - July 15, 2020 - 02:51 PM

HINDI na rin napigilan ni Jericho Rosales ang sarili na maglabas muli ng saloobin sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN.

Tulad ng malalaking bituin ng Kapamilya Network, tila nagluluksa rin si Echo sa kinalabasan ng resulta ng ABS-CBN franchise hearing sa Congress.

Sa Instagram, nag-post ng malalim na hugot ang award-winning actor kalakip ang kanyang black and white photo.

“Ramdam ang pagyuko ng bawat isang umasa. Ramdam ang bigat sa katahimikang hindi na kailangan ipaliwanag.

“Nagkakaintindihan sa magkasingtunog na buntong hininga. Masakit man ang pagkatalo ngayon, ito ang mas magpapatamis sa tagumpay na nagaantay.

“Bukas muling titingala. Hindi bawal ang tumingala. Ngayong gabi tingnan ang mga tala. Bukas ramdamin ang araw. Walang harang ang himpapawid. Kakabig lang muna ng kaunti,” madamdaming caption ni Echo sa kanyang IG post.

Sa huli, siniguro ni Jericho na hindi dito matatapos ang paghahatid nila ng pagmamahal at ligaya sa madlang pipol.

“Tuloy ang buhay. Tuloy ang pagmamahal. Tuloy ang biyahe. Hanggang sa muli, kap. #kapamilyakahitsaankahitkailan,” pahayag ng aktor.

Nauna rito, ipinadama na ni Echo sa publiko ang matinding kalungkutan matapos ilabas ng National Telecommunications Commission ang cease and desist order para sa pagpapatigil sa operasyon ng kanilang network

“Isa sa pinakamasakit na pagtatapos at katahimikang narinig ko. Bata pa ako pinapanood ko na yang signing off part na may boses ni Mr. Peter Musngi pagkatapos manood kasama ang lolo at lola ko.

“Naging pampatulog na rin at pampakalma. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong pagsign-off,” ani Echo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending