Anak ni K Brosas umaming tomboy: Kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita | Bandera

Anak ni K Brosas umaming tomboy: Kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita

Ervin Santiago - July 15, 2020 - 11:57 AM

 

PASABOG ang revelation ng Kapamilya comedienne na si K Brosas at ng kanyang anak na si Crystal.

Humarap sa madlang pipol ang mag-ina sa pamamagitan ng isang video kung saan buong tapang na sinabi ni K ang dialogue na, “Birthday ko at may revelation kami ng anak ko.”

At sinundan nga ito ng pag-amin ng kanyang anak na siya’y isang tomboy, “Ako po si Crystal and I’m a lesbian. I am gay.”

Ayon kay K Brosas, alam na niya ang sexual preference ng anak noong high school pa lang ito, “Sa mga nagtatanong, matagal ko na pong alam. High school pa lang, alam ko na bilang nanay. And, wala akong galit, wala akong bwisit, tinanggap ko.”

Umamin si Crystal sa ina ilang taon na ang nakararaan at buong-puso naman siyang tinanggap nito, “Kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita kasi that’s unconditional love bilang magulang.

“Pasensya na po sa mga Christian or hardcore keme, nag-iisang anak ko ‘to, e. Kung ano’ng gusto niya susuportahan ko.

“Tinanong ko siya nang biglaan ngayong birthday ko kung gusto ba niyang mag-out. Umiyak siya kasi gusto na niya talaga. So now, we’re here and ito na ‘yung ginagawa natin sa video na ito,” pahayag pa ni K.

Sa isang bahagi ng video, hindi na napigilan ng komedyana ang maiyak kung saan nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga magulang na may anak na lesbian or gay.

“Ang sexual preference ng anak ko walang kinalaman sa pagmamahal ko sa kanya.

“Kasi alam ko na may ilan sa inyo na babalik sa akin. Even family ko, parang alam ko na, e. Sasabihin nila, ‘Meron kang mali na ginawa kung bakit ganyan lumaki ang anak mo.’

“Pero mas importante ang kaligayahan ng anak ko e. Ito ang gusto niya so wala kayong pakialam. I love my daughter. Alam ko na po ito years ago and I support her.

“Maganda ang relationship namin, wala kaming tinatago. Well, ito lang naman kasi dapat may right time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Please sa mga parents na nagtatakwil sa mga anak nila dahil hindi nila kaya maawa naman kayo sa mga anak niyo kasi anak niyo yan, e.

“I’m doing this kasi gusto kong mamulat… naba-bother ako sa mga magulang na dinidisown ang mga anak nila,” pahayag pa ni K Brosas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending