Angel, Bea, LizQuen, Enchong, Arjo nanguna sa noise barrage para sa ABS-CBN | Bandera

Angel, Bea, LizQuen, Enchong, Arjo nanguna sa noise barrage para sa ABS-CBN

Alex Brosas - July 14, 2020 - 04:13 PM

WALANG takot na ipinagsigawan ng Kapamilya stars na hindi sila masaya sa naging pagbasura sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Nitong weekend, nakibahagi sila sa dalawang araw na noise barrage bilang protesta sa naging resulta ng botohan sa Kongreso.

Kasama sa mga palabang artistang dumalo sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Liza Soberano, Enrique Gil, Robi Domingo, Enchong Dee, Arjo Atayde, Inigo Pascual at ibang Kapamilya stars na sumugod sa tapat ng ABS-CBN para ipaalam ang kanilang hinaing.

Marami talaga ang nagdududa sa 70-11 na resulta ng botohan sa Kamara dahil napakalaking kabaligtaran nito sa boses ng taong bayan.

Ayon sa SWS survey, 75% ng populasyon o higit 70 milyong Pilipino ang gustong bumalik sa ere ang ABS-CBN. Hindi lang ‘yon, ha, nasa 181 na petisyon ang natanggap ng Kongreso na sumusuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN bago pa mangyari ang lahat ng hearings.

Naku, baka magulat na lang ang 70 na ‘yan na sa eleksyon sa 2022 sila singilin ng taong bayan.

What’s quite nakakaloka ay may mga anak ng mga Kongresistang nag-YES na ipasara ang ABS-CBN ang kumontra sa sarili nilang mga magulang.

There’s Mikee Defensor, ang anak ni Rep. Mike Defensor, na nakipagtalo pa sa ama para lang hindi mangyari ang hatol.

“I’ve had my own share of arguments. I am NOT my father. My heart goes out to those greatly affected by this,” tweet niya.

In the same manner, ‘di rin matanggap ni Kito Noel, anak ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel, ang boto ng nanay niya na ipasara ang ABS-CBN.
“My mom really voted for the terror bill and for the denial of franchise renewal for ABS-CBN? Pick a struggle and go, you fascist,” tweet nito.

Tama ang sinabi ni Cong. Vilma Santos-Recto na hindi ito ang oras para maging “heartless” lalo pa at nasa gitna tayo ng pandemya.

“Kailangan at this point in time, nagtutulungan tayo para makapagbigay ng isang malaking solusyon para sa mga probelamg dumadating sa bansa natin. This is not the time to be heartless,” sabi ni Cong. Vi.

She’s an actress, she’s part of the industry kaya may “K” siyang magsalita para sa mga mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

“Hindi ito yung sinasabi nilang nagdadrama, nagpapaawa. Of course not. ‘Wag niyo isara ‘yung mga mata niyo. Gamitin niyo rin ‘yung mga puso niyo, ‘wag puro utak,” sabi ng Batangas representative.

Nakakatakot tuloy isipin ang kinabukasan natin. Kung nagawa nilang “patayin” ang malaking korporasyon gaya ng ABS-CBN, paano pa kaya ang mga simpleng taong gaya natin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana lang maging aral ito sa lahat na kilatisin ang mga iboboto sa eleksyon at siguraduhing interes ng taong bayan ang kanilang uunahin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending