outbrain

Kylie hirap na hirap maka-recover sa ika-2 panganganak: I was feeling out my body

By Ervin Santiago July 13,2020
share this

Kylie hirap na hirap maka-recover sa ika-2 panganganak: I was feeling out my body

By Ervin Santiago July 13,2020 - 10:46 AM

 

 

HANGGANG ngayon ay nahihirapan pa ring maka-recover si Kylie Padilla mula sa panganganak sa ikalawang anak nila ni Aljur Abrenica.

Kuwento ng Kapuso actress, may mga panahong tamad na tamad siyang gumalaw sa bahay kabilang na ang pagwo-workout para sa kanyang balik-alindog program.

Ayon kay Kylie, ilang linggo matapos niyang ipanganak si Baby Axl noong December, nakakaramdam siya ng sakit ng ulo at parang pagod na pagod ang kanyang katawan.

Nag-post ang asawa ni Aljur ng mirror selfie sa Instagram suot ang kanyang OOTD para sa pag-e-exercise at umaasa siya na magtutuluy-tuloy na ang kanyang fitness journey.

“So I was feeling out my body, ang hirap kasi ng recovery from giving birth this time round. I could not get out of bed on certain days, headaches, shivers and fatigue.

“So I postponed doing any exercise that would further prolong my recovery. I’m taking it slow,” simulang mensahe ni Kylie.

Dagdag pa niya, tanggap naman niya ang pagbabago sa kanyang katawan ngayong dalawa na ang kanyang anak kaya kailangang mas pangalagaan niya ito.

“Learning to love how my body has changed, how strong it has remained and how it is slowly healing.

“I’m happy, albeit the days where I feel like I am not entirely myself. I have grown to respect that it will take time because everything good takes time,” ang buong caption ng aktres sa kanyang IG post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending