outbrain

Alessandra todo-dasal para magkatrabaho: Biglang may offer, tatlo nga lang ulo…medyo comedy si God!

By Ervin Santiago July 13,2020
share this

Alessandra todo-dasal para magkatrabaho: Biglang may offer, tatlo nga lang ulo…medyo comedy si God!

By Ervin Santiago July 13,2020 - 09:48 AM

 

HOT topic ngayon sa social media ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis na “Through Night And Day”.

Naging instant trending topic kasi ito mula nang ipalabas sa Netflix at magustuhan ng mga manonood. Puring-puri nila ang kuwento ng pelikula at akting ng dalawang bida.

Nauna nang nagpasalamat si Paolo sa lahat ng nakapanood ng “TNAD” na ipinalabas last year, sa pamamagitan ng Instagram. Aniya, hindi niya in-expect na papasok sa Top 10 Movies” ng Netflix sa Pilipinas ang “Through Night And Day” pati na ang isa pa niyang pelikulang “Ang Pangarap Kong Holdap”.

Ayon naman sa leading lady ni Paolo na si Alessandra, ang “TNAD” ay maituturing niyang “answered prayer” noong wala siyang trabaho noong 2018.

Sa Twitter post ng isang netizen kung saan puring-puri nito si Alessandra sa movie, nag-comment ang scriptwriter ng pelikula na si Noreen Capili sa kanyang Twitter account na talagang pinipili lang ng aktres ang mga roles na gagampanan niya sa TV at pelikula.

“Choosy po talaga si @msderossi sa mga movies niya. Ayaw niya masira filmography niya sa IMDB. Tingnan nyo, lahat ng movies niya puro Rated A or Rated B.

“Choosy din siya sa mga roles sa TV! Kasi ibibigay niya talaga best niya! Yes kahit doon sa role niya na tatlo ulo niya!” ayon kay Noreen.

Sinagot naman ito ni Alex ng, “Bwhahaahahaha! Walang-wala ako nu’ng time na yun! Ipinagdasal ko kay Lord magka-work.

“The following day, may offer ako.. Tatlo nga lang ulo ang role? Medyo comedy si God. I wasn’t specific. Sabi ko, work God, by tomorrow, kahit ano .. HE DID IT … okay go!”

Aniya pa, “Thank you po sa mga nagtweet sa akin about #throughnightandday. Gusto ko man ilike lahat, bilang pasasalamat, eh baka maumay mga followers ko at maisip na feel naman nito?!

“Dahil nakikita pag nilalike lang diba? Kaya nga nakakakita ako ng porn sa twitter? Ano toh! Salamat!” chika pa ng award-winning actress.

Samantala, nag-share rin ang dalaga tungkol sa ilang interesting details about the movie na kinunan pa sa Iceland na isa talaga sa mga nagustuhan ng viewers.

“Ako dapat magsusulat ng ‘TNAD’ dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai dahil idol/mentor/bff ko sya. Sabi ko, ako na lang magdidirek! Go girl!

“Noong nabasa ko yung script ni @noringai, na pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer.

“Natakot ako na baka masira ko yung film. I’m glad si direk Veronica Velasco ang gumawa. Salamat direk and noreen! BUTI NALANG!” kuwento pa ng sisteraka ni Assunta de Rossi.

Isa pang ibinahagi ni Alex ay ang isang bagay na ginamit niya sa Iceland na aniya’y nagsilbing “sign” na ipalalabas din sa Netflix ang movie nila ni Paolo.

“April 1 2018, Iceland. Sorry for my handwriting. I picked this place. At ang notebook. Si God talaga! May sign na dati pa,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending