KC nagpapakaligaya sa sosyal na resort sa Batangas matapos 'makulong' ng 3 buwan | Bandera

KC nagpapakaligaya sa sosyal na resort sa Batangas matapos ‘makulong’ ng 3 buwan

Ervin Santiago |July 10,2020
facebook
share this

KC nagpapakaligaya sa sosyal na resort sa Batangas matapos ‘makulong’ ng 3 buwan

Ervin Santiago - July 10, 2020 - 02:36 PM

 

“SANA all!” Yan ang nagkakaisang sigaw ng mga netizens matapos makita ang mga latest posts ni KC Concepcion sa kanyang Instagram.

 

Nagpapakaligaya ngayon ang singer-actress sa isang private resort sa Batangas matapos “makulong” sa kanyang condo unit sa loob ng tatlong buwan.

 

Tila nakalaya sa kulungan ang dalaga nang muling makabisita sa nasabing resort sa Lipa, Batangas na sinasabing favorite ding puntahan ng ilan pang celebrities bilang retreat destination.

 

Makikita sa mga litratong ipinost ni KC sa IG na wala siyang ibang kasama sa resort kundi ang dalawa niyang “baby” — ang kanyang dalawang pet dogs na sina Churro at Chica.

 

Sa isang IG photo ni KC, ito ang inilagay niyang caption, “My body + mind were craving for mother nature after 100 days of solo isolation in my condo. My villa comes with a pool filled with water coming from a natural spring!

 

“Just untouched water found deep within the property of @thefarmatsanbenito… The dogs get to swim for the first time, I hear birds chirping everywhere, and huge   snails are taking their sweet time too.”

Ito naman ang mensahe niya sa kanyang followers kalakip ang isa pang litrato niya sa resort, “Pag nasa Philippines ako parang gusto ko na yata sa probinsya?? Parang gumaganda mood at katawan ng tao dito e.

 

“Walking a lot, working out with no mask (just fresh air), eating more veggies, saying a morning prayer under a 300-year old mango tree? Check check check,” aniya pa.

 

“Immune booster of the day: My happy fur babies Churro & Chica + staying away from toxic environments, people, thoughts & things. Try natin dumedma sa mga hindi nakakaganda … gagaang loob natin magiging blooming ka pa   hahaha!” caption naman ng anak ni Megastar Sharon Cuneta sa photo nila ng mga alagang aso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Ilang IG followers ni KC ang nagsabi na naiinggit sila sa dalaga dahil sa wakas ay nakapagbakasyon na ito sa isang resort at kahit paano’y nabago na ang kanyang kapaligiran.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending