Vice muling humiling ng taimtim na dasal para sa ABS-CBN: Para sa ating lahat ang laban na ito | Bandera

Vice muling humiling ng taimtim na dasal para sa ABS-CBN: Para sa ating lahat ang laban na ito

Ervin Santiago - July 06, 2020 - 06:14 PM

HUMILING ang TV host-comedian na si Vice Ganda ng mas marami pang dasal mula sa madlang pipol para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nakiusap muli ang Phenomenal Box-Office Star sa kanyang mga tagasuporta, partikular sa kanyang “Little Ponies” na huwag magsawa sa pagdarasal para sa Kapamilya Network.

Naniniwala si Vice na mas makapangyarihan pa rin sa lahat ang pananampalataya sa Diyos para makamit ang anumang inaasam sa buhay.

“To my Little Ponies, maraming salamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay niyo sa akin ng buong puso sa loob ng maraming panahon. Kasama ko kayo sa kabuuan ng aking karera,” simulang pahayag ni Vice sa kanyang social media post.

Aniya pa, “Ngayon ay matindi ang pinagdadaanan ng aking tahanang ABS-CBN. Nais ko muling humingi sa inyo ng suporta.

“Samahan niyo kaming manalangin na ang Kongreso ay bigyan ang Kapamilya network ng prangkisa upang maipagpatuloy ang serbisyo sa mga Pilipino,” lahad pa ng komedyante.

Ipinagdiinan pa ng TV host na huwag naman sanang ipagdamot sa ABS-CBN ang muling makatulong at makapaglingkod sa sambayanang Filipino.

Sana raw ay mapagkalooban pa ng pagkakataon sa pamamagitan ng bagong franchise ang istasyon para muling makabangon ang mahigit 11,000 empleyado ng network na matindi ring naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Kailangang-kailangan namin ang mga dasal ninyo. Para sa ating lahat ang laban na ito. Maraming salamat,” pahayag pa ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending