Ibang kompanya hindi ginamit ng ABS-CBN para tumakas sa pagbabayad ng buwis
IGINIIT ng ABS-CBN Corp., na nagbayad ito ng tamang buwis at itinanggi ang mga alegasyon na ginamit nito ang Big Deeper Digital Content and Design Inc., at ABS-CBN Foundation upang matakasan ang babayaran nitong buwis.
Ayon kay ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na ang insentibo na nakuha ng Big Deeper sa Philippine Economic Zone Authority noong 2009 ay naaayon sa batas.
Ang Big Dipper ay kompanya na itinayo ng ABS-CBN para sa digital archiving at repurposing ng kanilang mga palabas na ibinebenta sa ibang bansa.
Dahil nakapasa sa panuntunan ng PEZA ang Big Deeper ay binigyan ng anim na taong tax holiday na nagtapos noong 2015. Nagbabayad ito ngayon ng buwis na kasing halaga ng limang porsyento ng gross income nito.
Ayon naman kay ABS-CBN Corporation CFO Aldrin Cerrado hindi ginagamit ng ABS-CBN ang mga gamit ng Big Dipper.
“Big Dipper is used solely for the services that is being offered by Big Dipper to its clients. It so happens that ABS-CBN is a client of Big Dipper but none of the Big Dipper assets is actually being used by ABS-CBN in any production of its content,” ani Cerrando.
Nabatid na umaabot na sa P1 bilyon ang halaga ng equipment ng Big Dipper. Ito ay accredited din ng iTunes at Amazon Video.
Kung wala umano ang Big Dipper, ani Cerrando, kukuha ang ABS-CBN ng international company upang maproseso ang mga video nito dahil wala umanong gumagawa nito sa bansa.
Sinabi naman ni Cerrando na kung mayroong nababawas sa binabayarang buwis ng ABS-CBN Corp., sa pagbibigay nito ng donasyon sa ABS-CBN Foundation ito ay naaayon sa batas.
“Donations, under the revenue code, is a deductible expense,” aniya.
Sinabi ni ABS-CBN Foundation managing director Susan Afan na umaabot na sa P129 milyon ang naibigay na donasyon ng ABS-CBN Corp., mula 2015-2019.
Nasa ilalim ng ABS-CBN Foundation ang Sagip Kapamilya, Bantay Bata 163, at Bantay Kalikasan.
Kamakailan ay nagbigay umano ang ABS-CBN Corp., sa Foundation ng P52 milyon para sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign nito na tumutulong sa mga pamilya na naapektuhan ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.