Nagtatrabaho sa MRT3 line na nagpositbo sa COVID-19 nadagdagan
NADAGDAGAN ang bilang ng mga nagtatrabaho sa Metro Rail Transit 3 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Ayon kay Transportation Undersecretary Goddes Hope Libiran lumabas ang mga bagong resulta ng swab test at mula sa 92 ay 127 na ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng MRT 3 na nahawa ng COVID-19.
Sa 127, 124 ang tauhan ng Sumitomo-MHI na nakatalaga sa depot. Ang tatlo naman ay MRT-3 Depot Personnel.
Wala namang Station Personnel ng MRT3 na nagpositibo sa COVID-19.
Mayroong 1,714 Depot Personnel at 7.4 porsyento ang nagpositibo sa COVID.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.