Bilang ng bumibiyaheng tren ng MRT3 babawasan | Bandera

Bilang ng bumibiyaheng tren ng MRT3 babawasan

Leifbilly Begas - July 02, 2020 - 12:05 PM

MABABAWASAN ang bilang ng mga bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit 3 matapos dumami ang bilang ng mga tauhan sa depot nito na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Mula sa 25 noong Hunyo 22 ay nadagdagan ang mga positibo sa COVID-19 sa 67 noong Martes.

Ang mga dumagdag ay lumabas matapos isailalim sa swab testing ang lahat ng tauhan ng Department of Transportation-MRT3 at maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI).

Sa 92 na nagpositibo, 89 ang depot personnel ng Sumitomo-MHI at ang nalalabi ay tauhan ng MRT-3.

Tiniyak naman ng MRT-3 na walang Station Personnel, ang mga tauhan na nakakasalamuha ng mga pasahero, na nagpositibo sa COVID-19.

Ipinaalala naman ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan na walang biyahe ang mga tren ng MRT 3 sa Sabado at Linggo. Ang suspensyon ng operasyon ay para bigyang-daan ang pagpapalit ng riles.

Sa Lunes ay maaaring mabawasan na ang bilang ng mga bumibiyaheng tren.

“Sumitomo requested to discuss on a day-by-day basis the level of operations that they can sustain as results of the mass swab testing continue to be released. In the meantime, Sumitomo advised that they are able to continue with operations to service MRT-3’s tens of thousands of passengers, although at a reduced level,” ani Batan.

Noong Lunes ay naabot ng MRT3 ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay sa ilalim ng General Community Quarantine. Umabot ito sa 67,821.

Bago ang community quarantine, ang average na sakay ng tren ay 1,182 pero ibinaba ito sa 153 pasahero para masunod ang ipinatutupad na social distancing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending