Maine may pasabog sa ika-5 taon sa showbiz; Kris hindi nagdamot sa kapwa negosyante | Bandera

Maine may pasabog sa ika-5 taon sa showbiz; Kris hindi nagdamot sa kapwa negosyante

Jun Nardo |July 02,2020
facebook
share this

Maine may pasabog sa ika-5 taon sa showbiz; Kris hindi nagdamot sa kapwa negosyante

Jun Nardo - July 02, 2020 - 10:59 AM

PUMAPEL na stylist at producer si Maine Mendoza sa unang pagkakataon para sa cover ng isang online shop na kanyang ineendorso.

      Todo papuri naman ang fans ng Phenomenal Star dahil lumutang talaga sa nasabing pictorial ang simpleng ganda ng kanilang idolo, huh! 

Kasi naman, bumagay lalo kay Meng ang cap na gamit niya sa picture! 

      Anyway, ngayong Sabado, July 4, ang 5th anniversary sa showbiz ni Maine at may inihahanda ngang bagong paandar ang ineendorso niyang online shop.

Abangers na rin ang kanyang followers sa magiging pasabog ng dalaga para sa kanyang anibersaryo.

      Tuloy pa rin siya sa new normal daily edition ng “Eat Bulaga” at quarantine episodes ng sitcom nila ni Vic Sotto sa GMA 7 na “Daddy’s Gurl.” At ano naman kaya ang magiging anniversary gift sa kanya ng mga Dabarkads? 

                          * * *          

Nagpaka-good samaritan ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa mga kapwa niya negosyante na humaharap sa krisis ngayong may COVID-19 pandemic.

 

Sa isang Instagram post, ikinuwento niya na naglalaan siya ng panahon upang tulungan ang mga lumalapit sa kanya na small business owners.

“I’ve been taking on some free small business shout outs to help out anyone whose business has been struggling during these times. I take my support seriously, with setup! Lol! 

“Ang hirap din maging food blogger! Anyway, I do this to match the business owner’s efforts,” post ni Kris sa Instagram.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ramdam kasi ni Kris ang hirap na dinaranas ngayon ng mga katulad niyang may negosyo kaya naman naisipan niyang gumawa ng paraan para kahit paano ay makatulong sa kanila.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending