outbrain

Hugot ni Nadine: I wish my boobs were bigger, kasi wala talaga! 

By Ervin Santiago June 30,2020
share this

Hugot ni Nadine: I wish my boobs were bigger, kasi wala talaga! 

By Ervin Santiago June 30,2020
share this

KUNG may isang bahagi ng katawan si Nadine Lustre na gusto niyang lumaki, yan ay walang iba kundi ang kanyang boobs.

Inamin ng singer-actress na isa raw sa mga insecurities niya noong nagdadalaga pa lang siya ang pagkakaroon ng flat na dibdib.

Ayon sa ex-girlfriend ni James Reid (pero may chika na nagkabalikan na sila), talagang bata pa lang siya ay alam na niyang wala siyang maipagmamalaking boobs.

Pero aniya, hindi naman ito naging dahilan para maging nega sa kanyang katawan. Natanggap na niya sa kanyang sarili na hanggang diyan lang talaga ang sukat ng dibdib.

“I wish my boobs were bigger. Kasi wala talaga. No, but boobs kasi they’re fat eh,” pahayag ni Nadine nang umapir siya sa video ni Angel Dei Peralta sa YouTube.

Natanong kasi siya kung may pagkakataong nai-insecure rin siya sa kabila ng kanyang strong personality at confidence.

Pahayag pa ng aktres, “Just accept it. I mean, am I gonna stress myself about it? Either parang you work out but you know, make it firm or wala eh it’s really fat eh tanggapin mo. Or you eat more.” 

Pero alam n’yo ba na isa si Nadine sa mga taong napakaswerte pagdating sa pagiging fit and healthy? 

Kahit pala sandamakmak ang kainin niya araw-araw ay hindi siya tumataba nang bonggang-bongga! 

“Pero ‘yung body ko lean talaga ako eh no matter how much I eat. ‘Yung heaviest ko would be one hundred twenty na. 

“That’s my heaviest na. Hindi ko na kayang lumagpas ng 120. It’s always been like that,” aniya pa. 

Para naman sa lahat ng mga nawawalan ng kumpiyansa sa kanilang katawan, matuto lang tanggapin ang kung anong meron ka at mahalin kung sino at ano ka. Huwag daw pumayag na diktahan ng ibang tao.

“Love yourself. Love the skin that you’re in. And you know, don’t be ashamed of anything. That’s what the universe gave you. Accept it. Just you know, be yourself,” mensahe ni Nadine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending