Kim niregaluhan ang netizen na nagligtas sa kanya sa kanegahan | Bandera

Kim niregaluhan ang netizen na nagligtas sa kanya sa kanegahan

Julie Bonifacio - June 29, 2020 - 03:52 PM

KIM CHIU

IBINAHAGI ng Kapamilya star  na si  Kim  Chiu  kung gaano siya ka-grateful sa mga blessings na natatanggap niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.

Kahit sunud-sunod na aberya, controversies at pamba-bash ang  nangyari sa kanya ngayong 2020 ay nalampasan niya ang itong lahat at nananatiling matatag.

    Bago pa man dumating ang  pandemya dulot ng COVID-19 ay nalagay na sa alanganin ang kanyang buhay dahil sa isang ambush incident. 

     Sa programa ng ABS-CBN na “Paano Kita Mapapasalamatan”  hosted by Judy Ann Santos,   ikinuwento ni Kim ang tinamo niyang panglalait at pambibintang na gawa-gawa lang daw niya mismo ang pananambang sa kanya.

      At ang next big issue na kinaharap niya ay  nu’ng maglabas siya ng kanyang saloobin sa social media protest bunsod ng biglaang pagpapasara sa ABS-CBN matapos lumabas ang Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission.

Ito yung makasaysayang dialogue niya tungkol sa “classroom rules” at ang sikat na sikat na ngayong “bawal lumabas” punchline.

    Sobrang na-bash si Kim dahil dito na naging rason ng kanyang depression. Naisip  daw niya na mag-quit na lang sa showbiz at manirahan sa ibang  bansa.

   Pero may isang netizen ang nagbigay payo kay Kim na gawing positibo ang  lungkot na pinagdaraanan.

   Ang name ng netizen na nagpadala ng open letter kay Kim sa social media ay si  Adrian Crisanto, a branding officer. Siya ang nag-encourage kay Kim na make something positive sa mga negatibong sinasabi sa kanya.

    Thus, the birth ng matagumpay na kanta niya titled “Bawal Lumabas” na naging simula rin para  maisip ni Kim na gumawa ng  merchandise out of her song. 

     Kaya naman niregaluhan ni Kim si Adrian ng  very symbolic na white headset. Ito ang napiling ibigay ni Kim kay Adrian dahil “pinakinggan” daw niya ang payo ng brand officer.

    Or else, baka kung ano na ang ginawa ni Kim, di ba?     

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

              

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending