ISANG staff sa Kamara de Representantes ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Ang staff ang ikawalong kumpirmadong kaso ng COVID sa Mababang Kapulungan.
Ayon sa kumalat na advisory, ang congressional staff ay tumira sa staff house sa Quezon City mula Hunyo 17-23.
Isang beses lamang umano ito pumunta sa opisina ang staff at ang kanyang nakasalamuha ay ang kanyang mga kapwa staff, chief of staff at consultant.
Ang staff ay kasalukuyang nasa probinsya.
Ang chief of staff ay nagpa-test na rin at nagnegatibo.
Ang iba pang staff at consultant ay sasailalim pa lamang sa test. Sila ay kasalukuyang nasa isolation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.