Showbiz industry nagluluksa sa pagpanaw ni Mang Ramon; Erap namaalam kay Agimat
NAGLULUKSA ngayon ang mundo ng showbiz dahil sa pagpanaw ng movie icon at dating senador na si Ramon Revilla, Sr..
Pumanaw ang veteran actor-politician eksaktong 5:20 p.m. due to heart failure sa mismong bahay nila sa Cavite. Siya ay 93 years old.
Matapos maglabas ng official statement ang anak ni Mang Ramon na si Sen. Bong Revilla, bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa social media para sa pamilya ng maituturing ding haligi ng pelikulang Filipino.
Nauna nang nagpaabot ng kanyang mensahe si dating Pangulong Joseph Estrada sa mga naulila ng yumaong kaibigan. Pareho silang nagtagumpay sa larangan ng sining at public service at maituturing ding bayani ng showbiz industry dahil sa dami rin ng mga taong kanilang mga natulungan.
Narito ang official statement ng 83-year-old ni Former President Erap Estrada: “Isa sa aking mga kasamahan sa pinilakang tabing, kapwa senador at kaibigan ang yumao sa araw na ito: ang dating Senador Ramon Revilla, Sr.
“Iiwan ni ‘Agimat’ ang mga masasayang alaala sa showbiz industry kung saan nagpasaya siya ng maraming manonood na tumangkilik ng kanyang mga pelikula.
“Naging bahagi rin siya ng kasaysayan bilang Senador ng bansa.
“Ang Ejercito-Estrada family ay lubos na nakikiramay sa naiwang pamilya ni Senator Ramon Revilla, Sr..”
Nagpaabot na rin ng kanilang pakikiramay at pakikidalamhati ang iba pang kasamahan at kaibigan sa showbiz at politika ng pamilya Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.