Kim mas pipiliin ang love kesa career; Dingdong, Heart, Bitoy ibinandera ang GMA anniv surprise
SA latest vlog ni Kim Domingo, sinagot niya ang ilang mga personal na tanong tungkol sa career at love life.
Nang matanong kung ano ang pipiliin niya sa dalawa, love ang mas bibigyang-halaga niya, “Kasi ‘yung career, hindi naman talaga siya pang habambuhay.
“Ang kinang ay mawawala rin pero, siyempre, ‘yung tunay na pagmamahal, alam mong nandiyan ‘yan palagi. For me, it’s love,” sabi ng Kapuso star.
Pagdating naman sa usapang pamilya, sinagot ni Kim kung ano ang mararamdaman niya sakaling makaharap ang ama.
“Hindi ako magagalit kasi lahat naman may rason, so… I mean, hindi ako magtatanim ng galit. Kung ano man ‘yung mga nangyari nu’ng nakaraan. Hindi ako magagalit,” aniya.
* * *
Para sa 70th anniversary celebration ng GMA Network, buong-puso nitong handog ang pinakahihintay ng lahat na high-quality at affordable Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na GMA Affordabox.
Ito ang hatid na good news ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Heart Evangelista at Michael V na nagsanib-pwersa para sa 70th surprise ng GMA sa mga Kapuso.
“In celebration of this milestone of reaching seven colorful decades in the industry, we are more than grateful for the Filipinos’ continued trust in GMA Network as we reaffirm our commitment to deliver excellence in news and entertainment.
“Kaya naman, kasabay ng ika-70 anibersaryo ng inyong Kapuso Network, buong puso naming inihahandog sa inyo ang high-quality at abot-kayang digital TV receiver na Para Sa Pilipino—ang GMA Affordabox,” ayon kay GMA Network Chairman and CEO Felipe Gozon.
Isang plug-and-play device ang GMA Affordabox. Kailangan lang itong ikabit sa analog TV at makakatanggap na ito ng digital television broadcast. Maaari nang mapanuod ang GMA, GMA News TV, at ang pinakabagong Kapuso channel na Heart of Asia sa mas malinaw na digital display. Mapapanuod din ng mga Kapuso ang ibang free-to-air digital TV channels na available sa kanilang area.
“GMA Affordabox stays true to its name as we make it available in the market at an affordable price, without compromising quality. GMA Network has teamed up with the best product developers and engineers to give you a device built with additional features and high-quality materials at an accessible price. Now, more Filipino homes can start enjoying digital TV viewing,” saad ni GMA Network President and COO Gilberto Duavit, Jr..
Bukod sa malinaw na digital signal reception, marami pa itong free additional features para sa level-up na entertainment experience.
Mayroon itong built-in multimedia player kung saan maaaring makapag-view ng photos, makapagpatugtog ng music files, at mapanuod ang videos na naka-save gamit ang USB drive.
Isa pang advanced function ng GMA Affordabox ay ang personal video recorder feature nito kung saan pwedeng i-record at panuorin muli ng Kapuso viewers ang mga programa ng GMA, GMA News TV, at Heart of Asia.
Hindi na nga nila mami-miss ang kanilang paboritong Kapuso shows at mababalik-balikan pa ang highlights nito sa pamamagitan ng instant o scheduled recording. Ekslusibo ang function na ito para sa tatlong Kapuso channels.
Hindi pa nagtatapos dito ang one-of-a-kind features na dapat abangan sa GMA Affordabox. Mayroon din itong nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay ng babala sa pamamagitan ng mga alert mula sa NDRRMC.
May auto-on alert feature rin ito kung saan automatic na mag-a-alarm ang GMA Affordabox tuwing emergencies para mas maging handa at safe ang bawat kabahayan.
Mabibili na ang GMA Affordabox online at sa mga lugar kung saan available na ang digital signal ng GMA: Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.