Solon nanawagan ng 'backyard' hiring policy sa mga negosyante | Bandera

Solon nanawagan ng ‘backyard’ hiring policy sa mga negosyante

Leifbilly Begas - June 26, 2020 - 07:51 PM

UMAPELA si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa mga negosyante na magpatupad ng ‘backyard’ hiring policy o pagkuha ng mga empleyado mula sa mga residente na nakatira malapit sa kanilang negosyo.

Ginawa ni Vargas ang pahayag matapos isagawa ang isang informal survey sa Brgy. Gulod kung saan 80 porsyento ng 4.025 ang nagsabi na nawalan sila ng trabaho at 18 porsyento ang nabawasan ang pasok sa trabaho.

Sinabi ni Vargas na ayon sa survey ng barangay marami sa kanila ang nawalan ng trabaho dahil hindi sila makapasok bunsod ng kawalan ng masasakyan.

“Malaki talaga ang problema sa transportasyon.  The number of buses deployed is simply not enough,” ani Vargas.

Umaasa si Vargas na matutulungan ng Department of Trade and Industry upang makapasok sa mga malalapit na negosyo ang mga residente na nakatira malapit dito.

“The key phrase here is ‘as far as practicable’ as definitely, the skill set needed in one enterprise might not necessarily match the skill set of the “neighbor-worker”.  But information must be put out there so that businesses and workers can help each other out,” dagdag pa ng solon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending