NAIA palitan ng pangalan- Polong Duterte | Bandera

NAIA palitan ng pangalan- Polong Duterte

Leifbilly Begas - June 25, 2020 - 05:46 PM

INIHAIN ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang kongresista ang panukala na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa panukala ni Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap ang paliparan ay tatawagin ng Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

“We need a more representative branding for the international gateway of our country, thus our proposal renaming NAIA to the Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas. Aside from it bearing our country’s name, it is in our national language,” ani Duterte.

Noong 1987, pinalitan ang pangalang Manila International Airport (MIA) at ginawang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng Republic Act No. 6639.

“We want it to reflect the legacy of the Filipino people, our everyday heroes. The name bears no color, no political agenda. It only signifies our warmth as Filipinos in welcoming our own kababayans and foreign visitors,” dagdag pa ni Duterte.

Ayon kay Velasco magsisilbing branding ang pagpapalit ng pangalan ng airport dahil agad na mapo-promote ang bansa sa pagbanggit ng pangalan nito.

“This proposal aims to reposition the Philippines as a choice tourist destination as we prepare to reopen the country to travelers once the pandemic is over. Renaming it to Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas will not only benefit and bolster our brand as a destination hub, but will also strengthen the country’s identity,” ani Velasco.

Ang pagpapalit umano ng pangalan ay nagbibigay sa bawat Pinoy ng “great sense of pride and ownership of the country’s biggest and largest international airport.”

Sinabi naman ni Yap na paglapag ng eruplano sa paliparan ay bubungad sa mga balik-bayan at mga turista kanila ang pangalan ng bansa.

“Gusto natin na paglapag pa lang ng eroplano dito, pangalan na agad ng bansa natin ang bubungad sa ating mga balik-bayan pati sa mga turista mula sa ibang bansa. Ating iparamdam sa kanila na sila ay nakauwi na sa kanilang tahanan,” ani Yap. “Marami naman na personalidad na karapat-dapat rin na sa kanila ipangalan ang institusyon, daan, at iba pa. Pero pagdating sa ating paliparan, dapat ay sumalamin ito sa bansa at sa sambayanang Pilipino.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending