Date, venue ng Angel-Neil wedding secret pa: For security reasons at privacy ng mga bisita | Bandera

Date, venue ng Angel-Neil wedding secret pa: For security reasons at privacy ng mga bisita

Ervin Santiago |June 25,2020
facebook
share this

Date, venue ng Angel-Neil wedding secret pa: For security reasons at privacy ng mga bisita

Ervin Santiago - June 25, 2020 - 09:52 AM

NAKASALALAY sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa banta ng COVID-19 crisis sa bansa kung matutuloy o hindi ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

Hindi pa nagdedesisyon ang engaged couple kung ipo-postpone na nila ang kanilang wedding na naka-schedule na nga this year.

Siyempre, malaking factor sa magiging final decision nila ang patuloy na banta ng killer virus at ang mga mangyayaring pagbabago sa quarantine guidelines ng Duterte government katuwang pa rin ang Department of Health.

Kasabay ng pagpasok ng Hulyo, hinihintay din ng madlang pipol ang susunod na announcement ni Duterte tungkol sa development ng pandemya sa bansa.

Kasalukuyang nasa general community quarantine ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa at ayon sa kautusan ng pamahalaan bawal pa rin ang anumang uri ng mass gathering, kabilang na ang kasal.

“Lahat naman ng nangyayari sa mga buhay natin ngayon, lahat naka-hold. And parang masyadong maaga to decide kung tuloy o anong mangyayari.

“Because hindi natin alam, baka next week may vaccine na (para sa COVID-19),” ani Angel sa panayam ng Rated K.

“Hindi na lang po kami magko-complain. Basta mag-antay na lang kami kung anong mangyayari,” sabi pa ng Kapamilya actress.

Tungkol naman sa eksaktong date at venue ng wedding nila ni Neil, “Hindi namin puwedeng sabihin kung kailan yung exact date for security reasons and privacy ng mga bisita.

“Pero dapat this year. This year siya talaga. And medyo malapit na siya,” chika pa ng dalaga.

Sabi naman ni Neil, kung sakali namang wala nang magiging problema, susundin pa rin nila ang original date ng kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“When it comes to preparations, ready naman po kami. Yung ano na lang, if mass gathering is allowed na. And siyempre safety ng guests and everyone else,” paliwanag ng fim producer.

Pero kapag na-postpone nga ang kasal, “I think we’ll decide somewhere near our date if we’ll gonna move it or not.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending