15 pulis sinibak sa nakatakas na 6 Chinese
SINIBAK sa puwesto ang 15 pulis na nakatalaga sa District Mobile Force Batallion (DMFB) ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan nakatakas ang 15 Chinese.
Pina-disarmahan din ni Quezon City Police District Director (QCPD) Police Brigadier General (PBGEN) Ronnie Montejo ang mga pulis na ito matapos ang imbestigasyong isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dahil sa paglabag sa Article 224 ng Revised Penal Code (Evasion through Negligence).
Bukod sa kasong kriminal mahaharap din sa kasong administratibo ang mga sangkot na pulis.
Nakatakas kagabi ang mga Chinese na sina Zhang Yi Xin, Ludong Jin, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Qiao at Chen Bin. Nadiskubre ito ng magsagawa ng headcount alas-9:45 ng gabi sa Detention Facility ng Kampo Karingal.
Ang anim ay kasama sa 342 dayuhan na hinuli ng Bureau of Immigration (BI) at QCPD noong Disyembre dahil sa pagtatrabaho ng walang permit at visa sa isang gusali sa Brgy. Bago Bantay, Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.