Sikat na aktres ginagawa ang lahat para mapasaya ang dyowa: Dakilang pag-ibig yun!  | Bandera

Sikat na aktres ginagawa ang lahat para mapasaya ang dyowa: Dakilang pag-ibig yun! 

Cristy Fermin |June 24,2020
facebook
share this

Sikat na aktres ginagawa ang lahat para mapasaya ang dyowa: Dakilang pag-ibig yun! 

Cristy Fermin - June 24, 2020 - 11:30 AM

PALAGING pinagkukuwentuhan sa mga umpukan nu’n na mas mahal ng girl ang kanyang boyfriend. 

Pareho silang artista, kilalang-kilala sila, matagal na silang magkarelasyon.

    Kung pagkukumparahin daw ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay nakalalamang ang pagmamahal ng girl sa kanyang guwapong boyfriend.

    Kuwento ng isang source, “‘Yung babae ang sobrang magmahal, talagang inaalagaan niya ang BF niya, binabantayan niya!

    “Ginagawa niya ang lahat-lahat para mapasaya lang ang karelasyon niya, wala nang mahihiling pa ‘yung guy sa kanya, magpagawa man siya ng tulad ng girl, e, mabibigo siya!” unang kuwento ng aming source.

    Kung ang ibang babae ay sige-sige lang sa pakikipagrelasyon ay iba ang girl na ito dahil panghabambuhay na ang pinapangarap niya sa kanilang relasyon ng guwapong aktor.

    Patuloy ng aming source, “Unang pag-ibig niya ang guy, unang pakikipagrelasyon na inaalagaan talaga niya. Hindi siya ang klase ng girl na pabagu-bago ng karelasyon, nakatutok lang ang attention niya sa isang lalaki!

    “Sa BF lang niya talaga, dakilang pag-ibig niya ang guy, mawiwindang ang mundo niya kapag nagkahiwalay sila, promise!

    “Ibinigay na niya kasi ang lahat-lahat, mas mahal pa nga niya ‘yung guy kesa sa sarili niya, tapos, hindi pa rin pala sila ang magkakatuluyan?

    “Napakalaking disaster para sa kanya ang ganu’n, forever na ang inaasahan niya na in fairness, e, ginagantihan din naman ng love at pagpapahalaga ng boyfriend niya!

    “Lahat, inialay na niya sa boyfriend niya, pati nga ang religion niya, e, tinalikuran na niya para sa relasyon nila, kaya ano pa ba naman ang kulang sa mga ginagawa niya?” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending