Rocco hinarap ang driver ng humarurot na kotse: Kinabig ang manibela, sasagasaan pa 'ko | Bandera

Rocco hinarap ang driver ng humarurot na kotse: Kinabig ang manibela, sasagasaan pa ‘ko

Jun Nardo |June 24,2020
facebook
share this

Rocco hinarap ang driver ng humarurot na kotse: Kinabig ang manibela, sasagasaan pa ‘ko

Jun Nardo - June 24, 2020 - 11:21 AM

ROCCO NACINO

INILABAS ni Rocco Nacino sa Twitter ang litrato ng isang kotse at kung ano ang ginawa sa kanya nang palabas na siya sa isang basement parking.

      “Humarurut sa basement parking, nilagpasan ako paliko na ako. Sya pa galit, binigyan pa ako ng bad finger.

      “Paglabas, awkward moment dahil parehas kami ng daan. Lumabas na lang ako. ‘Sir, nakita ko ginawa nyo kanina.

      “Kayo pa ata po galit kahit humarurut ka sa basement parking.

      “Mga may edad na gusto ko sana makipag ayos at iremind na wag na lang humarurut next time sa basement parking kahit nagmamadali.

      “Eh kinabig bigla ang manibela, sasagasaan pa ako. Pinaalis ko na lang, mainitin na ulo siguro dahil matanda na.

      “Pero sana wala sya makatapat na ganyan din,” tweet ni Rocco.

      Pahabol pa ng Kapuso actor, “Smile na lang ako. Sayang kasi gusto ko makipag ayos kay sir. Magandang araw po sa inyo.”

      Naku buti hindi pinairal ni Rocco ang natutunan niya sa military training niya para sa Kapuso series na “Descendants of the Sun,” huh!

                           * * *

Walang duda na loyal Kapuso talaga si Primetime King Dingdong Dantes. 

Sa higit 20 taon niya sa GMA Network, pamilya na ang turing niya sa mga taong nakasama niya rito. 

 

Aniya, “For me a Kapuso, it means na you’re part of a family, you’re part of the home. Lahat nang ‘to, na-realize ko noong quarantine. Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako.”

 

Dagdag ng “Descendants of the Sun” lead actor, markado na sa buhay niya ang pagiging isang Kapuso, “Lahat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Kapuso. 

“And not to mention, pati ‘yung asawa ko, sa Kapuso Network ko nakilala. Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso,” dagdag ng mister ni Marian Rivera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending