104 volcano-tectonic earthquake naitala sa Bulkang Kanlaon
NAKAPAGTALA ng 104 volcano-tectonic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras hanggang kanilang umaga.
Isa sa mga lindol na ito ay may lakas na magnitude 3.0 at nagdulot ng Intensity II paggalaw sa La Carlota city, Negros Occidental.
“Activity at the vent consisted of weak emission of white steam-laden plumes that rose 300 meters before drifting northwest and southeast,” saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Nakapagtala ng bahagyang pamamaga ang Phivolcs sa ibaba at mid slope ng bulkan simula noong Enero.
“DOST-PHIVOLCS would like to remind the public that Kanlaon Volcano is at Alert Level 1 which means that it is at an abnormal condition and has entered a period of unrest.”
Ipinaalala ng PHIVOLCS na bawal pumasok sa loob ng apat na kilometrong radius.
Pinapayuhan din ang mga eruplano na lumayo sa bibig ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.