Sharon sa nagbantang gagahasain si Frankie: Hahanapin kita, demonyo ka! Bobo!  | Bandera

Sharon sa nagbantang gagahasain si Frankie: Hahanapin kita, demonyo ka! Bobo! 

Julie Bonifacio |June 20,2020
facebook
share this

Sharon sa nagbantang gagahasain si Frankie: Hahanapin kita, demonyo ka! Bobo! 

Julie Bonifacio - June 20, 2020 - 05:25 PM

Sharon-Frankie

PINALAGAN ni Megastar Sharon Cuneta ang netizen na nag-post sa social media na gagahasain nito ang anak na si Frankie  Pangilinan.   

     Mararamdaman ang galit ni Mega sa lalaking nagbanta sa anak na dalaga na matapang pang ipinost ang kanyang piktyur.

   “What an a**h**e of a father,” panimulang banat ni Mega sa netizen. “Considering may anak kayong babae. Oo alam namin.”

    Magugulat tiyak ang naturang netizen kapag nabasa niya ang post ni Sharon. Mukhang kilala na siya ng singer-acteess at napa-background check na rin ang pamilya niya.

    “At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya  tama ang gjnagawa ng anak kong disente at matalino,” galit na galit pang pahayag ni Mega.

   Nagmalaki pa raw ang naturang netizen sa pagiging DDS o loyal supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sabi ni Mega,  isa siyang kahihiyan sa Pangulo.

 Ipinaliwanag din ni Mega sa kanyang Instagram post kung ano ang nilalaman ng Juvenile Justice Law.

     “At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila – at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! 

      “Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. 

     “BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS!” aniya pa.

  Patuloy pa ng nanay ni Frankie,  “Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! 

    “Tayong dalawa ang magharap – di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo – tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan,”  paghahamon ni Sharon.

    “HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES?

   “We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!! I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.

   “I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. 

   “TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. 

   “HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA. @bernsrp @indaysaraduterte (SHARONIANS, remember this monkey’s face and name please),” pagbabanta pa ni Mega.

     Dahil sa paglabang ito ni Sharon, nabuhayan ang marami nating kababayan na ipaglaban din ang kanilang  rights sa  paggamit ng social media lalo na sa mga nambu-bully at nanloloko.

    Hindi man 100% but almost all Sharon’s followers sa social media  ay aprubado sa mga sinabi at aksyong gagawin ng aktres laban sa nambastos at nagbanta sa buhay ng anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                                 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending