Subsidy sa bibili ng modern jeepney dodoblehin
DODOBLEHIN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ibibigay nitong subsidy sa mga operator ng jeepney na nais bumili ng modernized jeepney.
Mula sa P80,000 ay gagawin ng P160,000 ang subsidy na ibibigay ng LTFRB sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program nito.
Inaprubahan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang Department Order 2020-006 na inirekomenda ng DOTr Road Sector matapos tumaas ang presyo ng mga modernized PUV mula P1.6 milyon hanggang P2.4 milyon.
Ang subsidy ay bahagi ng pagpapautang ng Development Bank of the Philippines (DBP) upang matulungan ang mga driver na palitan ang kanilang mga lumang sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.