2 kawal patay; Army officer, militiaman sugatan sa ambush | Bandera

2 kawal patay; Army officer, militiaman sugatan sa ambush

John Roson |June 18,2020
facebook
share this

2 kawal patay; Army officer, militiaman sugatan sa ambush

John Roson - June 18, 2020 - 02:36 PM

DALAWANG sundalo ang nasawi habang sugatan ang isang opisyal ng Army at isang militiaman, nang tambangan ng armadong grupo sa San Jose, Occidental Mindoro, kahapon ng hapon.

Nagpapagaling ngayon sa pagamutan si Maj. Ephraim Domingo at Willy Gregorio, miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA), ayon sa ulat ng Armed Forces Southern Luzon Command.

Di muna pinangalanan ng militar ang mga nasawi, pero sinabi na ang mga ito’y may ranggong sergeant at corporal.

Naganap ang pananambang sa Sitio Naitan, Brgy. Batasan, dakong alas-5.

Patungo noon sina Domingo sa Naibuan Patrol Base, sakay ng itim na Ford Everest (PNO-932).

Magsasagawa sana sila ng inspeksyon at mamahagi ng subsistence allowance sa mga miyembro ng CAA, nang paputukan ng mga armado.

Inulat ni Domingo na matapos silang paputukan ay tinangay pa ng mga armado ang dala nilang subsistence allowance para sa mga militiaman, ayon sa militar.

Dinala sina Domingo at Gregorio sa San Jose District Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, habang ang dalawa nilang kasama’y dead on the spot, ayon naman sa pulisya. (

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending