PhilHealth hindi nagbabayad sa mga ospital?
DAPAT umanong bayaran na ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang utang nito sa mga ospital sa bansa na umaabot na ng P18 bilyon para hindi maapektuhan ang operasyon ng mga ito.
Inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang House Resolution 970 upang matignan ng Kamara de Representantes ang reklamo ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP).
“This is very urgent specially because we are still facing this Covid 19 pandemic and we all need the full operations of our hospitals with the necessary medical personnel. We don’t want our hospitals to close, down scale services nor lay off medical personnel because of non-payment of claims by PHilheath,” ani Rodriguez.
Ayon sa PHAP may utang na P14 bilyon ang PhilHealth sa mga miyembro nito hanggang noong Disyembre 2018 at P4 bilyon hanggang noong Disyembre 2019.
Ang organisasyon ay mayroong 733 ospital na miyembro na may kabuuang 44,700 hospital beds.
“One of the reasons why many private hospitals are struggling to respond to the Covid-19 pandemic is because they are running out of funds. Many of them have had to obtain emergency loans to sustain their operations,” saad ni Rodriguez.
“As an example, the University of Sto. Tomas Hospital has reduced its manpower and implemented cost-efficiency measures following ‘significant losses’ inflicted by the Covid-19 pandemic and the delay in Philhealth payments.”
Sinabi ni Rodriguez na ayon kay UST Hospital medical director Marcellus Francis Ramirez delay ng lima hanggang anim na buwan ang pagbabayad ng PhilHealth na mahigit sa P180 milyon ang halaga.
Itinanggi naman ng PhilHealth ang alegasyon.
May mga ospital naman umano sa Mindanao na inalisan ng accreditation ng PhilHealth dahil mayroon itong kaso ng upscaling o paglalagay ng sakit ng pasyente na mas mahal ang singil kumpara sa totoong karamdaman nito.
Umaangal umano ang mga ospital dahil hindi dinidinig ng PhilHealth ang kanilang panig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.