Pagrerehistro ng sasali sa PandaTODA simula na
SIMULA na ngayong araw ang registration ng mga tricycle driver na nais maging delivery-partner ng FoodPanda.
Ayon sa Quezon City government ang screening at registration para sa #PandaTODA ay isasagawa ng Tricycle Regulation Division Quezon City at QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.
Ang mga interesado ay maaaring pumunta sa Committee Room 1 at 2, Quezon City Hall.
Ang mga kuwalipikadong sumali ay:
1. 21 yrs old pataas
2. Residente ng Quezon City
3. Miyembro ng TODA
4. May Professional Driver’s License
5. May Tax Identification Number (TIN)
6. May Android/iphone (atleast OS Kitkat para sa android & iphone 4s para sa iphone users)Tricycle Regulation Division Quezon City
Ang #PandaTODA ay bahagi ng programa upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga tricycle driver na nawalan ng pagkakakitaan sa pagpapatupad ng community quarantine.
Nililimitahan ng lungsod ang pagbiyahe ng mga tricycle upang hindi magsabay-sabay ang mga ito sa paglabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.