Lockdown sa isang lugar sa Navotas City extended
PINALAWIG ng Navotas City government ang lockdown sa isang lugar nito dahil sa dami ng mga posibleng nahawa ng coronavirus disease 2019.
Kagabi dapat matatapos ang lockdown sa H. Monroy st., sa Brgy. Navotas West. Sinimulan ito noong Hunyo 11.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco palalawigin ng limang araw ang lockdown o hanggang 11:59 ng gabi ng Huny 20.
“Ayon po sa ulat ng ating City Health Office, 96 po ang sumailalim sa rapid COVID-19 test sa nasabing lugar. 49 o 51% sa kanila ang reactive o positibo. Kailangan po silang kuhanan ng swab at sumailalim sa PCR test para makumpirma kung sila nga ay may virus ng COVID-19,” ani Tiangco.
Ang mga nag-positibo sa rapid test ay kailangang mag-self quarantine upang hindi mahawa ang kanilang pamilya.
“Kung walang kwarto na magsisilbing isolation room, makipag-ugnayan sa barangay para ma-admit sa Community Isolation Facility (CIF).”
“Sa mga may kwarto pong pwedeng gawing isolation room at kayang mag-home quarantine, dumistansya po sa mga kasama sa bahay hanggang maaari.”
Mahalaga umano ang pagsusuot ng facemask at ihiwalay ang mga gamit.
“Paalala po exempted sa lockdown ang mga residente sa H. Monroy na mga frontliners at essential workers na exempted ng IATF, tulad ng mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port Complex. Maaari ring lumabas kung may medical emergency.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.