JUDAY masakit ang iyak: Pahinga muna ako! Ayokong magdesisyon nang ganito, masama ang loob! | Bandera

JUDAY masakit ang iyak: Pahinga muna ako! Ayokong magdesisyon nang ganito, masama ang loob!

Reggee Bonoan - August 17, 2013 - 03:00 AM


SA ginanap na presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala ay nilinaw ni Judy Ann Santos ang isyung may tampo siya sa ABS-CBN.
Natanong kung tama ba ang trato sa kanya ng Kapamilya network? “Ano sa tingin ninyo? Siguro oo, hindi ko naman idedenay, oo naman.

“Pero naibigay naman nang bongga (hiling), tama naman lahat. May oo na sagot, mayroon ding hindi nasagot.  Hindi naman po ako sinungaling at hindi ako plastic, oo naitawid nila (ABS), pero may mga bagay na question mark pa rin sa akin.

“Siguro, mas nakakabuting, wala na lang ‘yung tag na ‘reyna’ para walang expectations. ‘Yun po,” pagtatapat ng Reyna ng Pinoy Teleserye.

Sinundan ng tanong kung magre-renew pa rin si Juday ng kontrata sa Dos? “Paglipat o pag-renew ng kontrata? Hindi ko pa masagot kasi gusto ko munang magpahinga, siguro a couple of weeks.

Gusto ko munang ibigay itong peace sa akin, kasi medyo nawindang din ako for the past weeks, so I deserve to relax and spend my time with my kids and my husband.

And siguro kailangan ko lang mag-isip ng klaro kung ano ang susunod kong gagawin. “But, you know, doors for ABS will always, always, always be open, I will never deny the fact na ABS is my mother network.

Offers from other networks, yes nandiyan sila, but at the end of the day, ako pa rin ang magdedesisyon,” pahayag pa ni Juday.
Dagdag pa niya, “Ayokong magdesisyon ng masama ang loob kasi baka mali ang desisyon ko, ayokong magdesisyon ng masaya, kasi baka mali rin.

Gusto kong magdesisyon ng nasa praktikal ang emosyon ko kasi, bilang salita, lahat naman tayo nagiging praktikal at tao din ako, nasasaktan din ako, kailangan ko lang pong magpahinga.

But then again, ‘yung utang na loob will always be there.” Dito na naging emosyonal si Juday dahil hindi na niya napigilang maiyak, “Sana samahan ninyo kami hanggang sa huli (pagtatapos ng HKLM).”

Isang season sana ang Huwag Ka Lang Mawawala o 13 weeks pero na-cut short nga ito ng 12 weeks base sa kuwenta ng AdProm head ng Dreamscape Productions na si Biboy Arboleda, mismong ang aktres na raw ang humiling na tapusin na  ito.

“Things come to an end. It was my decision to end the show earlier, but then again, I appreciate the management listened to what I have to say.

Originally, we will  be moved to a fourth timeslot and I asked them kung puwedeng third na muna, pero earlier kaming matatapos and I really appreciate the fact na talagang pinagbigyan nila ako.

“Kasi di ba, masarap mag-ending ng napapanood lahat ng tao and at the same time, ‘yung palakpalak mas matindi kapag gising ang mga tao kaysa ‘yung palakpak na parang nananaginip lang sila kasi hindi naman talaga nila napanood.

“So para sa akin, it was a very, very hard decision kasi isang taon mo itong ginawa, pero ‘yung appreciation naman ng buong cast at ‘yung buong team, mas bongga pa sa ini-expect namin, so I had to take that responsibility.

It was me, it was my decision to end it,” naiiyak pang sabi nito. Samantala, wala namang masasabi ang aktres tungkol sa pag-iingay ng KathNiel fans na kaya hindi kaagad naipalabas ang Got To Believe ay dahil sa Huwag ka Lang Mawawala timeslot.

“Sa totoo, ayoko ko pong mag-react to that issue, kasi sa totoo, that is totally a different issue, pero sa tunay na salita, ‘yung Got To Believe na teleserye has nothing to do with my decision, it was me and the management and pagbigyan natin ang mga bata (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo), this is their moment to shine, ang sa akin lang, I was gone for two years and gusto kong mamaalam sa teleserye ng taas-noo,”  sabi pa ni Juday.

Sa kalagitnaan ng presscon ay ipinakita ang bagong biling franchise ng Dos na Bet On Your Baby na isang hit reality show sa Amerika na ayon mismo sa Dreamscape head na si Deo T. Endrinal, “Binili talaga ang show for Juday, so I hope she will accept it.”

Hindi rin itinanggi ni Juday ang offer ng GMA 7 na isang soap drama kasama ang asawang si Ryan Agoncillo at co-producer pa sila, “Tulad nga ng sinabi ko, maraming offers at natutuwa ako kasi marami silang naghahangad ng aking serbisyo at wala pa ako sa posisyon para tanggihan sila dahil kailangan ko rin naman talaga at kailangang maging praktikal tayo.”

Hindi lang diniretso ng aktres na isa sa tampo niya sa Dos ay ang pelikulang hindi na natuluy-tuloy dahil nakailang taon at TV show na siya pero hindi pa rin siya gumagawa ng pelikula? Ang pangakong makakasama niya si Coco Martin ay napako na?

Sa manager ng aktres na si tito Alfie Lorenzo namin nalaman na, “Ilang beses ko nang tinanong ang pelikula nila ni Coco, puro sabi ni Malou (Santos), mag-uumpisa na, pero asan na?

Nakagawa na si Juday ng Master Chef, wala pa rin, kesyo busy daw si Coco, tapos mababalitaan mo, gumawa na pala ng pelikula kasama si Angeline Quinto at may Julia Montes pa.”

Samantala, nagbiro si Juday na huwag daw munang iinom ng kape sa huling dalawang linggong episode ng Huwag Ka Lang Mawawala para hindi raw nerbyusin ang manonood.

Gustung-gusto namin ang eksenang gustong balikan ni Eros si Anessa at nagsabi si Alexis ng, “Asawa mo ako, Eros!” na sinagot naman ni Sam Milby ng, “No, you’re not. Kabit ka lang!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending