Netizens napa-wow sa katawan ni Jessy; may kinakaing espesyal na pampa-sexy | Bandera

Netizens napa-wow sa katawan ni Jessy; may kinakaing espesyal na pampa-sexy

Julie Bonifacio |June 14,2020
facebook
share this

Netizens napa-wow sa katawan ni Jessy; may kinakaing espesyal na pampa-sexy

Julie Bonifacio - June 14, 2020 - 08:54 AM

GINULAT ni Jessy Mendiola ang netizens sa magandang kurba ngayon ng kanyang katawan with matching abs pa.

      Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Jessy ang piktyur niya suot ang black mid-rib strapless top at green-moss gartered shorts.

      Dahil sa nakaka-wow na katawan ni Jessy ngayon, curious tuloy ang netizens na  malaman kung  ano ang mga kinain niya para ma-achieve ang kanyang ideal weight and form.

   “Today sa aking newest vlog, ipapakita ko sa inyo kung ano ang aking meals para ma achieve ko ang ideal weight ko! (the struggle is real lol),”  caption ni Jessy. 

     Marami  raw talaga ng nagtatanong sa kanya, through comments and messages sa kanyang social media accounts, kung ano ang kinakain niya para maging healthy at curious din ang iba na malaman kung ano ang laman ng   kanyang  refrigerator.

      Kaya gumawa raw siya ng  vlog about healthy food alternatives to help keep our body healthy & strong, especially during community quarantine. 

    Sa comment section ay nag-post ang boyfriend ni Jessy na si  Luis  Manzano na siya lang naman daw ang umuubos ng laman sa ref ni Jessy.

   Sinang-ayunan naman ito ni Jessy sa kanyang reply kay Luis, “Totoo naman din.” 

   Mabuti na lang at may nag-comment na follower ni Jessy na  “inuwi” ni Luis ang kinukuha niyang pagkain sa refrigerator  ni Jessy.  Or else,  pwede silang pagdudahan ng netizens  na nagsasama na sa isang bahay.

     Sey ng netizen kay Luis,   “HAHAHa! Balita ko inuwi mo ang sausage!!!”

      Reply ni Luis sa bintang na inuwi niya ang sausage ni Jessy,   “No comment.  Wala naman nakakita.”

                          

                          * * *          

     Malinaw ang pagkaka-explain ni Atty.  Cynthia del Castillo sa  Congress  sa ginanap na hearing ng ABS-CBN franchise renewal ang tungkol sa Philipine Depository Receipts o PDR  last Thursday.

         Yung may mga hawak ng PDRs ng ABS-CBN  Holdings ay wala raw karapatang  magmay-ari o mamahala sa ABS-CBN at sila ay   “passive investors” lamang. 

     “PDRs are purely financial instruments. Hindi po ito shares.  Hindi po sila nakakaboto sa ABS-CBN Broadcasting at hindi po sila nakakapag-participate sa management ng ABS-CBN,”  pahayah ni Del Castillo.

     Paliwanag pa ng dating dekano ng Ateneo de Manila University School of Law, na magkaibang kumpanya ang ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Holdings, at ang ABS-CBN Holdings ang siyang nag-iisyu ng PDRs.

     Aprubado raw ito ng Securities and Exchange Commission (SEC) at naipasa nila ang lahat nang hinihingi ng mga ahensya ng gobyernong tumitingin at nagpapatupad ng mga regulasyon tulad ng SEC at Philippine Stocks Exchange (PSE).

    Giit niya, dumepende sila sa mga permiso at lisensya na ibinigay ng SEC at PSE, hindi nila nilusutan ang Saligang Batas, at kanilang inilabas ng buo ang mga probisyon ng kanilang PDRs upang masuri ng mga awtoridad. At wala raw silang itinatago.

  

     Sabi naman ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, mabuti ang intensyon ng kumpanya sa pagkuha ng approval ng SEC bago ibinukas ang PDRs sa publiko noong 1999.

    Sakali man daw ipagbawal ng SEC, ng korte, o ng Kongreso ang paggamit ng PDR sa buong industriya ng media ay susunod rito ang network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

      

                                            

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending