Hugot ni Vice sa pagbabalik ng Showtime: Kapag nagbukas na, please, 'wag nang isara! | Bandera

Hugot ni Vice sa pagbabalik ng Showtime: Kapag nagbukas na, please, ‘wag nang isara!

Ervin Santiago - June 14, 2020 - 08:20 AM

Vice

NAGING top trending topic sa Twitter ang pagbabalik sa ere ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime kahapon.

Sa Kapamilya channel sa cable muna mapapanood araw-araw ang programa habang tinatalakay pa sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Emosyonal siyempre ang lahat ng hosts ng show sa pangunguna ni Vice Ganda dahil mahigit isang buwan din silang namahinga sa ere matapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN noong May 5.

Ilang beses ding nakapag-live ang It’s Showtime sa pamamagitan ng video call at Zoom app habang ipinatutupad ang ECQ sa bansa dulot ng COVID-19.

Bukod kay Vice, present din sa studio sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga at Ion Perez habang basa bahay naman sina Amy Perez at Ryan Bang.

Mensahe ni Vice sa pagsisimula ng Showtime, “Yes, madlang pipol, we are back! We are so back! Ang sarap sa pakiramdam.

“Na-miss ko itong studio na ito, na-miss ko kayong lahat, na-miss ko ang Showtime! I’m about to lose control and I just can’t hide it!

“And I’m sure, yung mga madlang pipol sa bahay nila, naku, lalo na iyong mga miss na miss tayo, mga nakangiti ngayon dahil, ito, nakaere na naman tayo. At uulitin ko, madlang pipol, we are back!” aniya pa.

Patuloy pang chika ni Vice, “Madlang pipol, hindi pa po tapos ang laban natin sa pandemya, pero hayaan niyo pong batiin namin kayo ng isang masaya, naghuhimiyaw, at nananabik na tanghali!

“Nagsusumidhi, uumalab sa kasiyahan ang buong Showtime family sa pagbabalik namin na ito.

“Na-miss po namin talaga ang entabladong ito, na-miss namin ang isa’t isa at, higit sa lahat, walang kyeme, madlang pipol, miss na miss na po namin kayong lahat.

“Miss na miss na namin kayo, madlang pipol, na nakatutok ngayon at manonood mamaya sa delayed telecast!

“Maraming salamat po, miss na miss na po natin ang isa’t isa, kaya naman po, heto na, magkakasama ulit tayo!”

Sa isang bahagi ng programa, napagdiskitahan nina Vhong ang sexy outfit ni Vice with matching big black hat. May telang nakaharang sa mukha ng TV host-comedia pero may paandar ito na pwedeng buksan para makita ang mukha niya.

Ikinumpara pa ito ni Jhong sa lampshade, “Tanghali na, patayin mo na ang lampshade! Nagtaka ako, nakasarado iyan kanina, bumukas!”

Habang nagtatawanan, isasara sana uli ni Vice ang harang sa mukha niya pero bigla siyang nag-dialogue ng, “Huwag na, huwag na! Nagbukas nga tayo, isasara pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagbukas na tayo, e. Kapag nagbukas na, please, huwag na isara!” hirit pa ni Vice na sinundan ng malakas na tawanan ng kanyang mga co-hosts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending