389 panukala naipasa ng Kamara de Representantes | Bandera

389 panukala naipasa ng Kamara de Representantes

Leifbilly Begas - June 11, 2020 - 03:34 PM

Kamara

UMABOT sa 389 ang mga panukala na naipasa ng Kamara de Representantes sa First Regular Session ng 18th Congress.

Nanawagan naman si Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kasama na ipagpatuloy ang pagtatrabaho para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

“Let us continue to give hope sa ating mga kababayan. ‘Be patient in affliction.’ Kung tama ang ginagawa ng Executive Branch, suportahan natin. Kung mali, let us continue to show kindness, makipag-usap tayo. But let us make sure they know there will be an accounting,” ani Cayetano.

Kasama sa mga naipasa ng Kamara ang anim na panukala kaugnay ng paglaban sa epekto ng coronavirus disease 2019 at siyam na panukala na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address.

Ang mga panukalang ito ay ang pagpapaliban ng May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, pagtatayo ng Malasakit Centers, mas mataas na buwis sa alak at sigarilyo, Corporate Income Tax & Incentives Rationalization Act (CITIRA), Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), Real Property Valuation and Assessment Act, pagtatayo ng Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment, pagtatayo ng National Academy of Sports, at the Salary Standardization Law of 2019.

Ang First Regular session ay nagsimula noong Hulyo 22, 2019 at natapos noong Hunyo 5, 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending