ISANG pulis ang nagpositibo sa isinagawang drug test noong Mayo 28.
Sa isang pahayag, kinilala ni National Capital Region Police Office ang nagpositibo na si PSSg Arthur Santos II, nakatalaga sa Police Station 4 ng Quezon City Police District.
Nagsagawa ng random drug test ang NCRPO noong Mayo 28 at kinuhanan ng urine sample ang 70 pulis.
Nagpositibo ang sample ni Santos kaya isinailalim ito sa confirmatory test at muli ay nagpositibo ito sa Methamphetamine hydrochloride (shabu).
Inatasan ni NCRPO Regional Director PMGEN Debold Sinas ang District Director ng Quezon City Police District at Station Commander na kumpiskahin ang service firearm ni Santos.
Inihahanda na rin ang kasong administratibo laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.