Gallstones | Bandera

Gallstones

Dr. Hildegardes Dineros - August 16, 2013 - 01:03 PM

(Una sa tatlong serye)

BATU-bato sa langit, ang tamaaan, huwag sanang masakit.

Hindi dapat magkaroon ng mga bato sa katawan ng tao. Pero, kung bakit ito nangyayari ay maraming dahilan.
Kadalasan tinatamaan ng bato ang mga “hollow organs” na siyang dinadaluyan ng “fluids” gaya ng ihi(urine), apdo (bile), at dugo.

Sa ngayon ay tunghayan natin ang gallbladder o apdo.
Ang apdo ay hugis supot na nasa ilalim ng atay at konektado ito sa pamamagitan ng biliary tract, mga maliliit na tubo na apdo o bile ang laman, na nakadugtong naman sa bituka para magdala ng mga sustansyang panunaw ng pagkain.

Ang bile ay karaniwang kulay berdeng likido, na tumutulo sa bituka lalo na kapag ang kinain ay puno ng taba.

Kapag hindi na kailangan ang bile, ito ay bumabalik para maipon sa gallbladder.

Nananatili ito na likido subalit may mga pagkakataon na ito ay tumitigas at nagiging bato, kung hindi man ay parang buhangin.

Ang mga sanhi nito ay sobrang cholesterol, “infestation” o impeksyon, bile stasis at iba pa.

Ang supot ng gallbladder ay kayang mag-laman ng mga bato na hindi magbibigay ng sintomas (asymptomatic gallstones), ngunit kung ang kahit maliit na bato ay magbabara sa tubo (cystic duct), ito ay magdudulot ng matinding problema, gaya ng pamamaga (cholecystitis) na pwedeng magkaroon ng nana (empyema), lubusang pagbabara (hydrops), paninilaw (jaundice) at sepsis kapag ang gallbladder ay nabulok na.

Ang bato sa apdo ay maaring makalusot sa cystic duct at bumara sa common bile duct na magdudulot ng mas malalang kundisyon dahil pati atay (liver) at lapay (pancreas) ay maaapektuhan.

Pag meron kang gallstones, pakiramdam mo ay hindi ka natutunawan, mahangin ang tiyan at sinisikmura, dighay nang dighay.

Dahil sa apektado ang digestion ng taba, posibleng may fat intolerance’ kaya di natutunawan ng pagkain. Tapos, malambot ang dumi na oily at utot nang utot.

Kapag ang bato ay nagbabalak na lumabas dahil sa pagpiga ng apdo, nakakaramdam ka ng masakit sa kanang bahagi ng tiyan, ibaba ng tadyang, sakit na namimilipit na pwedeng pumunta sa may kanang likuran.

Kusa namang nawawala ang sakit ngunit kapag nagbara talaga ang bato, tumitindi ang sakit.

Ang gallstones ay indikasyon na ang gallbladder ay hindi na nagtratabaho ng normal kung kaya’t ang gamot sa kumplikadong gallstones ay surgery o operasyon.

Ang standard treatment ngayon ay “laposcopiccholecystectomy.” Isa itong advance technology para makuha ang apdo at mga bato sa loob nito sa pamamagitan ng maliit na butas. Halos walang sakit at ang operasyon ay hindi na nangangailangan ng hospital confinement dahil pwedeng outpatient o ambulatory surgery lang. Doon sa hindi pa handa sa operasyon, ipinagbabawal kumain ng mga matataba gaya ng litson at iba pa. Kapag sumakit, binibigyan muna ng antispasmodics gaya ng Buscopan, at dagdag panunaw na “digestive enzymes”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Abangan sa susunod na Biyernes ang kasunod)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending