BB natatakot sa kaguluhan ngayon sa US: Hindi pa tapos ang COVID, may bago na naman!
LABIS na nag-alala si BB Gandanghari sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Amerika.
Sa kanyang recent vlog na “Mornings With BB” sa YouTube ay inilabas niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagkamatay ng black American na si George Flloyd.
Nag-rally kasi ang mga Amerikano dahil sa pagkamatay ni George Flloyd sa kamay ng isang pulis. Kasunod nito, nagkaroon na ng looting sa mga mamahaling tindahan sa Los Angeles.
Nu’ng una ay wala raw siyang kamalay-malay sa mga nangyayari until mabanggit ng isang co-worker niya sa office.
“Sana…sana huminahon ang lahat. Okey, ako naiintindihan ko yung protesta. It’s part of our expression. Lumaki tayo diyan, eh. Generation namin ‘yan, eh. Sabi ko nga doon sa co-worker ko, ‘You know, what’s going on now? This is very much in 1980s in the Philippines. This was very much like 1986,” pahayag ni BB.
Ang tinutukoy niya ay 1986 EDSA Revolution kung saan napatalsik sa pwesto ang dating Presidente na si Ferdinand Marcos.
“Noon, walang social media. So, uh, pero nagkikita-kita ang tao sa kalye, di ba? Pero walang looters noon. Walang nanggugulo. Sabi ko nga, this reminds me of noong kay Erap (former President Joseph Estrada) nu’ng People Power,” lahad ng kapatid ni Robin Padilla.
Mahirap daw mag-comment on anything dahil baka ma-take out of context ang sasabihin niya.
“But my personal feeling is, as much as I believe in expression, ako pa? Eh, part ako ng minority na I want to be heard pero pag ganitong may mga looters di ba, kailangan magrenda na rin tayo. Tayong mga peaceful, yung mga peaceful rallies, ha,” aniya.
Suggestion ni BB na baka kailangan ng leader ng bawat organization na nagsasagawa ng peaceful rally might consider also na pigilan ang mga looters.
“Kasi, like for example, yung nangyari doon sa Fifth Avenue. Ano yun, in seconds, in minutes. Basta thousands of people nagpuntahan agad doon. Look, eh, napakadaling gawin ng looters ngayon because of social media.
“So, I think we really have to think how to stage a really peaceful way na hindi tayo nagagamit ng mga looters. And so, our message, whatever it maybe can really come up across and not to be overshadowed by everything, di ba?” sabi pa ni BB.
Inamin niya na nu’ng malaman niya na malapit na sa place niya ang mga nagra-rally, ganoon na lang daw ang takot niya. At kaya pag nanonood siya ng news, hindi na rin niya ito tinatapos panoorin.
“I don’t want to be political. I’m not even pro-Trump. Hindi niya ako botante rito kasi nga I’m still a resident, hindi naman ako citizen,” dagdag ni BB.
Kaya raw siguro pati sila ng kanyang “honey” ay di na rin daw maubos ang kinakain sa kawalan ng appetite dahil sa mga nangyayari sa Amerika.
“Patung-patong,” buntung-hininga niya. “Hindi pa nga natatapos ang pandemic, eto na naman di ba? Ang hirap kumain. Pati si Honey, baka kaya hindi natin maubos ang pagkain natin dahil wala na tayong ganang kumain?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.